Ikadalawampu't Anim na Kabanata

26.3K 648 164
                                    

Kabanata 26

Haharanahin sa araw-araw

"Tayo na talaga? Wala ng bawian?" tanong ko kay Gio.

Nakaupo kami sa trunk ng sasakyan niya habang pumapapak ng pepperoni pizza saka milktea na binili sa nadaanan naming shop. Nagpaalam naman ako kay kuya Anselm na sasama kay Gio. We just had a little drive downtown.

Nang makaramdam kami ng gutom, naghanap kami ng bukas na shops. Mangilan - ngilan na lang ang natitirang bukas na kainan sa bayan. It's really a different place compared to the city. Mas tahimik. Higit sa lahat, mas masarap ang simoy ng hangin.

"Yes, Catherine." Pinitik niya ang ilong ko. "You've been asking me that since earlier. Does something bother you?"

Huminga naman ako ng malalim at lumabi. "Sabi ni Tacia, it's just a bet. Kailangan daw kitang ibalik sa kanya." Sumulyap ako kay Gio ng hindi ito umimik. "Totoo ba?"

"No." He answered firmly. "Makapal lang talaga ang apog niya. I don't even talk to her."

Bahagya akong nakahinga ng maluwag. "Okay, I believe you, Gio."

Mas matimbang namang paniwalaan ko si Gio. I experienced Tacia's lies firsthand. Minsan nag-iimbento lang naman talaga siya. Kung sakali mang totoo iyong sinabi niya, edi si Gio ang bumali ng tiwala ko sa kanya.

He shrugged. "I dated a lot of girls, you're aware of that. And they know what they are getting themselves into, just for fun. I'm blunt with what I want. Kapag sinabi kong gusto kita, gusto kita. I don't like a lot of things, mainly just music and you. Seryoso ako, Catherine."

Pinisil niya pa ang aking ilong, napatunganga naman ako kay Gio. Pinasakan niya rin ng sliced pizza ang aking nakaawang na bunganga. Napanguya naman ako ng wala sa oras.

Hindi pa rin ako makapaniwalang hindi ako nanaginip at totoo lahat ng pangyayari. Hinalikan din ako ni Gio sa labi. It wasn't my first kiss, but this one was special.

Tinusok - tusok ko ang kanyang pisngi. "Mag-boyfriend girlfriend na talaga tayo?" Maraming beses ko ng inulit ang tanong na iyon.

Gio clasped my fingers with his. Wala akong ideya kung natutuwa pa rin siya sa akin o napipikon na sa iisang tanong ko.

"Kulit mo, Catherine." Pinaglaruan niya ang aking kamay. Muli naman akong kumagat sa pizza na isinubo niya sa bibig ko. "Tayo na. We're in a relationship. Bawal ang kabit. Liligawan pa kita---"

I cut him off. "Sayang ang efforts ko sa panliligaw sa'yo... I-settle na natin na ako talaga ang nanligaw sa relasyong ito."

Humalakhak siya. It's sounding like a music to my ear. It has always been. Pero mas lalo iyong naging maganda sa pandinig ko. I was just hypnotized. After so many rejections I've gotten from him, parang lahat ng iyon nabura sa gabing ito.

Sometimes, perseverance is the key. It paid off for me.

It's a new beginning for me and Gio. Masaya ko. The happiness I felt at this moment radiated from within. Alam kong ramdam iyon ni Gio.

Inilagay niya ang suot niyang coat sa backless kong likod. Hindi naman ako nilalamig. Ang sarap ng feeling ng hanging tumatama sa aking balat. Pero mas masarap na kasama ko si Gio.


"Do you want us to go back?"

"Baka kapag bumalik na tayo, hindi mo na ako uli papansinin." Piningot niya ang ilong ko, may pagpisil pa ng aking pisngi.

Nanlaki ang mata ko ng dampian niya ng masuyong halik ang aking noo. It was soft and tender.

Ang lambot ng labi ni Gio, grabe, parang cotton candy. Gusto kong papakin, kung pwede lang, kaso baka magreklamo siya. Saka hindi naman ako marunong humalik. Makapanood nga ng tutorial sa youtube.

Fragments ✔ (Haciendero #2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant