Ikatatlumpo't Tatlong Kabanata

25.4K 573 102
                                    

Kabanata 33

Welcome back

I woke up feeling a bit sore. Wala na si Gio sa tabi ko. Ilang minuto pa akong pumikit bago ako tuluyang bumangon.

Nagsuot ako ng roba at tumungo ng banyo. Nag-shower ako ng mabilis. I did my daily routine before I went downstairs to find Gio, he was cooking in the kitchen.

Agad kong naamoy ang mabangong agahan na niluluto ng fiance ko. Sumandal ako sa hamba ng pintuan. Pinagmasdan ko siya habang hindi pa niya napapansin ang presensya ko.

Mas lalong gumwapo si Gio sa paningin ko. Noong high school pa lang naman, gwapo na siya. His features became mature as he aged like fine wine. Kahit ang magulong buhok nakadagdag sa kanyang karisma.

Nagkalaman ang muscles niya sa katawan kaya feel na feel kong safe ako sa mga bisig ni Gio.

"Can't still get enough, love? Lagi mo naman akong nakikita. Why not take a picture?" pang-aalaska pa niya ng may ngisi sa labi. Napailing naman ako. "I'm not going anywhere."

"Ang yabang naman ng fiance ko. Hmp, totoo naman. Ang pogi." I walked towards the counter.

Sinilip ko ang niluluto niyang agahan. Ang dami. He always feeds me a lot. Masyado niya akong inaalagaan. Ako dapat ang nasa kusina at ipinagluluto siya, pero mas madalas siya ang nauunang magising sa amin at naghahanda ng agahan.

"Luto ng naka-score kagabi, ah." I commented teasingly.

Gio looked at me with creased forehead. "Catherine." There was a warning tone on his voice.

He doesn't like me joking about our sex life. Well, Gio is a bit reserved than me. Ayaw niya ng bino-broadcast ko sa mga tao ang ginagawa naming dalawa. Nakakadagdag sa enerhiya ko ang inisin siya sa bawat araw.

There's nothing to be ashamed of talking about sex, wanting sex or preserving one's self for the right one. People shouldn't be shamed for what they want.

Kanya - kanyang paniniwala iyan. Gio and I are both consenting adults, in a relationship and with paying jobs. We are both stable financially and mentally, and in a happy relationship.

Ikakasal na rin kaming dalawa, kung sakali mang mayroong mabuo sa pagmamahalan namin. We're ready for the consequences of our actions.

Of course, my father knew. Hindi naman ako nakakalimot sa promise ko sa kanyang siya ang unang makakaalam. His reaction was priceless. I was laughing hard. Halos takpan niya ang kanyang tainga upang hindi marinig ang sasabihin ko. To this day, I think, he was still traumatized.

Inaasar niya ako sa ganoong bagay tapos magrereklamo siya ngayon.

Palagi kong nababasa sa mga romance novels, the morning after of the deed, their partner would cook breakfast --- I have my own version now.

Hinanda ni Gio ang mesa sa may terrace, doon kami kumain ng almusal. Ni ultimo pagsubo ng pagkain, siya na halos ang gumawa. I was really pampered by my future husband.

"Nababasa ko talaga ito sa romance novels, tapos ngayon nararanasan ko na. Kahit medyo bad at gago ka noong una, worth the wait ka naman, mahal. I told you, ikaw ang maghihimay ng seafood." Ngumiti ako sa naalala.

It was indeed true. It happened. Hindi mapuknat ang ngiti sa labi ko.

"Sayong - sayo, Catherine." He smirked.

He did a few strums of guitar while I was sipping my hot chocolate. Ang ganda ng view ko. Nakakaakit pagmasdan. Ang swerte ko, ito ang unang natutunghayan ko sa umaga.

Fragments ✔ (Haciendero #2)Where stories live. Discover now