Ikaapatnapu't Isang Kabanata

26.4K 711 240
                                    

Kabanata 41

Mamanugangin

All the things that happened are tangled in connecting the dots leading to this situation. Hindi ako makapaniwalang nasa harap ko si Gio na mukhang walang naaalala sa namagitan sa aming dalawa.

If meeting him again was the reason why my parents were taken away from me, I'd rather not meet him. Nakatitig lang ako sa kanya. I was frozen on the spot. His eyes reflected confusion.

I knew, he was not bluffing. Hindi niya ako nakikilala. Wala akong ideya kung paanong nangyaring limot niya ako at ganoon kadaling kalimutan ako. Did something happen to him?

Lot of possibilities in two years I didn't see him.

Pareho kaming naestatwa nang lumapit si Kuya Santino upang suntukin si Gio sa mukha. Hindi ako makagalaw upang pigilan ang kapatid ko. My tears just started to fall.

"Ano bang problema niyo?! Ipinakulong niyo na nga ang papa ko, pati ba naman si Gio pagbubuntunan niyo ng galit? Tangina niyo! Kakasuhan ko rin kayo!" Dinaluhan ng babae si Gio na halos humandusay na sa sahig.

Inawat sila ng kapulisan. Pinigilan ni Kuya Cassian si Kuya Santino.

I was still watching them without moving. Tinulungan ng babaeng makaupo si Gio, hinawakan niya ang kanyang mukha nang marahan. "Ayos ka lang ba? Sumakit ba ang ulo mo?"

Gio shook his head gently. Para namang may kumurot sa puso ko sa pangitaing iyon, sumikip ang aking paghinga.

Tumayo silang dalawa. "Oh, bakit hindi niyo pa ikinukulong ang gagong iyan? Kita niyo namang sinaktan ang boyfriend ko!" sigaw pa ng babae.

Huminga ako nang malalim. Pinatatag ko ang sarili ko sa loob ng dalawang taon sakaling magkikita kaming muli pero bakit ganito? Bakit may kirot pa rin? Bakit nasasaktan ako? Bakit may parte sa aking hindi ko matanggap?

"How... how did he lose his memory?" Nangangatal ang boses kong tanong.

"Ano naman sa'yo?" Humarap sa akin ang babae. "Kasama mo ba ang mga lalaking ito? Kung hindi niyo mamasamain, p'wede bang umalis na kayo sa harapan namin?" Ramdam ko ang kanyang gigil.

"Did you forget what your father did to our parents?"

"At ano namang kasalanan doon ni Gio?!" Nameywang siya kay Kuya Cassian. "Pinagbabayaran nang tatay ko, hindi ba? Ginigipit niyo pa lalo, idadamay niyo pa si Gio!"

Hindi malinaw sa akin ang mga pangyayari. Wala ring maintindihan ang aking utak. I just know one thing, it wouldn't be the last time we'll see each other.

"Kuya, let's go..." Pinahid ko ang aking luha sa pisngi.

I composed myself. Ilang beses akong huminga nang malalim. "Tara na," Hinila ko sila paalis ng presinto, nagpatianod naman ang mga kapatid ko.

Lumingon ako sa gawi ng kinatatayuan niya kasama ang babae. Inasikaso ng babae ang kanyang ama, she seemed to be close to her father. It reminded me of my relationship with Sancho.

Nang mag-angat ako ng paningin, nagtama ang aming mga mata ni Gio. He was looking at my direction, masyadong malalim ang pag-iisip na iyon upang maarok ng sinuman. He must have felt confused with the turn of events.

May pag-asa bang maalala niya ako? Hindi ako sigurado.

Tinawagan ko si ate Lope upang ibalita sa kanya ang nadatnan namin sa presinto. His family deserved to know the truth about him. Napatitig ako sa hawak kong phone. Alam kong dapat ko iyong i-disclose kay Doc Kenji pero mayroong parteng pumipigil sa aking tawagan siya.

Fragments ✔ (Haciendero #2)Where stories live. Discover now