Ikasiyam na Kabanata

23.3K 558 62
                                    

Kabanata 9

Na-fall

Grade eight. Umabante na ako ng isang taon, kahit pasang - awa ang grades ko sa Math, hindi naman ako nalaglag sa pilot section. Grade ten na si Gio at kasama siya ni kuya Anselm na magmo-moving up ngayong taon.

Ang bilis lang ng panahon, umabot nang isang taon ang paghanga ko sa kanya. Wala namang limit sa panahon ang paghanga sa isang tao, pero sabi nila kapag lumagpas iyon ng apat na buwan, hindi na iyon basta crush lang.

I had a crush on him during the school days last school year and over the summer. Hindi ko man siya madalas makita noong bakasyon, hindi naglaho ang paningin ko para sa kanya.

I still feel the same kilig. The same feeling. The same excitement whenever I got the chance to see him.

"Chelsea, I miss you!" Niyapos ko siya ng mahigpit.

Napaaga naman ako ng dating sa classroom namin, hindi gaya last year. Kuya Santino would be grumpy if we will arrive in school late with the flag ceremony.

Medyo malungkot din ako, hinatid namin si kuya Crispin sa Manila. Doon na siya maninirahan para ipagpatuloy ang pag-aaral ng kolehiyo. His course is related about business. Sigurado akong siya ang magpapatuloy ng emperyo ni daddy.

Next year, it would be kuya Santino's turn. Then, kuya Cassian and kuya Anselm. Ako ang bunso, ako ang huling sasabak sa kolehiyo.

Tanders na talaga ang mga kapatid ko. They are gonna have their own lives. Iniisip ko pa lang na iiwanan nila ako, nalulungkot na agad ako. Bibisita naman kami tuwing may pagkakataon pero iba pa rin kapag kasama namin si kuya Crispin.

I handed chocolates with my closest classmates. Magkatabi kaming muli sa upuan ni Chelsea.

"How's your vacation?" Wala naman kaming masyadong ginawa sa unang araw ng pasukan. Hindi um-attend ang ibang guro namin.

"I spent most of my time in my lola's house." Dumako ang tingin ni Chelsea sa lunchbox na dala ko. "Hanggang ngayon ba naman, Catherine?" She rolled her eyes.

Ngumuso ako. "Wala namang expiration date si Gio, siya pa rin ang crush ko." sagot ko naman. Ma-expire man ang sweetness ng chocolate, hindi ako.

Back to school, back to prospect. Muli ko siyang ipagdadala ng lunch para sa buong school year.

Aktibo pa rin ang fans club namin para sa Asymptote. Maybe, we could recruit more members from the freshmen. Alam kong maraming magkaka-interes sila sa banda nina Gio.

Sana naman, wala masyadong kaagaw. Pero hindi ko naman siya pag-aari na maaari kong ipagdamot sa ibang tao.

"Love you, Chelsea! Kahit hindi mo sabihin, alam ko namang suportado mo pa rin ako sa mga katangahan ko!" I hugged her.

She just sighed. Ngumisi naman ako. That's what best friends are for. Chelsea is the sane best friend, ako naman ang luka. Both personalities complement each other well.

"Gio!" tawag ko sa kanya. "Happy first day of school! Good luck sa rest of the school year!" Inabot ko ang dalang lunchbox ko sa kanya. May note na nakasulat doon.

"Ang kulit mo," Inirapan niya ako. "But good luck on your studies, Catherine. Prioritize your math quizzes."

Namula ang aking mukha ng maaalala ang ginawa ni Gio para lang makapasa ako ng Math. Napakamot ako sa ulo. "Tutor mo naman ako. Kailangan daw kasi ng kasama kapag hinahanap ang x."

He didn't say anything. Muli akong naging hangin sa harap niya, hindi na niya ako pinansin.

Naglakad siya papasok ng classroom nila. His room was located in the second floor. Sa ibaba naman kami ng E-type building. May ngiti pa rin sa labi ko, patakbo akong bumalik sa classroom namin.

Fragments ✔ (Haciendero #2)Where stories live. Discover now