Ikasampung Kabanata

24.1K 690 76
                                    

Kabanata 10

Muse

"Presi, na-hack ang page natin! We were removed as admins." Kararating ko pa lang ng school, iyon agad ang unang bumungad sa akin.

"Ha? Paanong nangyari?" Joan was talking about the page for Asymptote. Iyon lang naman ang page na admin ako.

I looked at my phone, hindi ko na nga ma-load ang mismong page. Pinalitan na rin ito ng name. Napanganga ako.

Paanong nangyari naman iyon? Kami lang ang nasa page. Binasa ko ang post, ang hackers daw ang bagong admins ng page. They will still supporting the Asymptote. Pero hindi na kami kasama.

"Unless, mayroong traydor sa mga bagong miyembro." saad ni Joan. "We made them admins."

Naging ka-close ko rin ang ibang members ng fans club and we've been together for a year now. The old members wouldn't do that betrayal.

It's just a page, no big deal. Pwede naman kaming gumawa ng bago, pero may sentimental value din iyon sa amin lalo na noong nagsisimula pa lang sila. Kami iyong unang sumuporta.

Hindi ko alam ang gagawin ko, pinuntahan namin room ng freshmen. Magkaklase si Ashleigh at saka iyong Krisha. It wasn't a confrontation, it was just a simple talk. Inamin nilang sila ang nasa likod ng bagay na iyon. I just wanted to retrieve what's ours.

"So, what? Sa amin na iyong page. Tinanggal na nga namin kayo 'di ba?" Ashleigh crossed her arms. Uminit naman ang ulo ko pero pinilit ko pa ring maging mahinahon. Sila nga ang salarin. "May magagawa pa ba kayo?"

Wala akong ideya kung anong pinuputok ng butse niya. "Sumali lang naman kami for that reason." Krisha backed her up.

"Walang magtitiwala sa inyo sa susunod, we learned our lesson. Tara na, Joan. Wala na tayong mapapala sa mga ito." Hinigit ko si Joan paalis ng room ng grade seven.

Naiinis ako. Pero anong magagawa ko? Kahit magwala ako, hindi na maibabalik sa amin ang page. Ang hirap ding magtiwala sa kapwa tao. Akala ko, iisa lang ang layunin nila sa amin. Walang lamangan. Gusto lang naming sumuporta sa band nina Gio.

"It's no one's fault, presi. Hindi naman natin inaasahan na mga hudas pala ang mga iyon. Ingat na lang tayo next time." Tinapik ni Joan ang braso ko.

Ngumiti naman ako sa kanya. Nanghihinayang pa rin ako, pumasok muna ako sa room namin dala ang bigat ng sama ng loob.

"Ayos ka lang?" tanong ni Chelsea ng makaupo ako sa kanyang tabi.

Tumango naman ako. I was calming myself, any moment, pakiramdam ko sasabog ang luha kong pinipigilan kanina pa. Nag-pokus na lang ako sa mga sumunod na klase.

"Bakit ganyan ang mukha mo?" bati ni kuya Anselm, dumaan ako sa kanilang room para ibigay kay Gio ang ginawa kong lunch para sa kanya.

Mas lalo akong napasimangot, tumulo ang luha ko. Malaki na ako, hindi na ako bata, pero iyakin pa rin.

"Kuya, inaway nila ako..." sumbong ko kay kuya Anselm.

Kumunot ang noo nito. "Sino? What did they do? Sinaktan ka ba nila?" sunod - sunod nitong tanong, pinaupo niya ako sa upuan para kausapin ng maayos.

"'Di ba, may page kami para sa inyo? Hi-nack ng bagong members."

Tinitigan niya akong mabuti. Ang babaw ng rason ng pag-iyak ko, pero wala akong nakitang judgement sa mga mata niya. "Gusto mo bang awayin din ni kuya?" Umiling naman ako at pinahid ang aking luha. He game me his hanky.

Maybe, I am very sentimental. Mabilis akong ma-attach sa isang bagay. Tinuyo ko ang aking pisngi gamit ang panyong binigay ni kuya.

Nakataas ang kilay ni Gio ng dumating sa room nila. "What happened?" He asked kuya Anselm.

Fragments ✔ (Haciendero #2)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن