Ikaapatnapu't Pitong Kabanata

26.8K 780 344
                                    

Kabanata 47

Hanggang sa muli

I let him go. I let the man I loved for almost half of my life go and let him chase someone else. I let him go because I had no hopes left for us. Wala na akong makakapitan.

Gusto kong maging masaya. Nilalamon na naman ako ng kalungkutan. The talk was painful, but the next more coming days are going to be my torture. Sobrang sakit.

Pareho naming alam na hindi naman kami nagkulang sa isa't isa, sadyang tadhana lang ang dahilan. Destiny played with us big time and made both of us miserable. Chelsea ruined my supposed happiness.

Halos wala akong ganang mabuhay nitong mga nakaraang araw, pinipilit ko lang ang sarili kong bumangon. I promised myself and my loved ones I would do better this time.

Hindi na ako p'wedeng malugmok gaya ng dati. Hindi na ako p'wedeng bumalik sa madilim na parte.

Alam ko na ang lahat ng dapat kong malaman. After knowing the truth, I thought I could move forward. But the process wasn't fast nor steady. It released me from the questions that kept me in a stuck place where moving on wasn't an option.

Tapos na ako sa mga katanungan ko sa buhay, tanging pagharap na lang sa katotohanan ang kailangan kong matutunan.

"Catherine, are you awake? Let's have breakfast." Nakarinig ako ng ilang pagkatok sa pinto ng aking kwarto mula kay Kuya Crispin.

Kanina pa akong gising. Minsan may pagkakataong halos hindi ko magawang makatulog. Sinuklay ko ang aking buhok. Naglagay ako ng kolorete sa mukha para hindi naman gaanong kita ang eyebags at pamamaga ng aking mata sa pag-iyak.

Luha na lang yata ang tanging kakampi ko.

"Susunod po ako, Kuya."

Pinagmasdan ko ang aking sarili sa salamin. It was another version of my sad self. Hindi ko rin naman pinabayaan ang aking sarili, kumakain ako ng tama sa oras. Iyon na lang ang kaya kong gawin.

Spark in my eyes vanished, my eyes couldn't smile anymore. The only asset I have was gone, too. The glow in me died.

Nagsuot ako ng puting bestida. It looked dull on me.

Kinuha ko ang purse bago bumaba ng hapagkainan kung saan naghihintay ang kapatid ko. Kuya Crispin was already sitting with some newspapers. He resembled Sancho so much.

"Good morning, bunso. You look good with that dress. Are you going somewhere?" Naupo ako sa katabi niyang upuan.

Tumango ako. "May usapan kami ni Doc Kenji. Where's your nurse? Hindi ba natin siya kasabay sa pagkain?"

He shook his head. "Nauna na siyang kumain. She couldn't function without breakfast. May meryenda rin siya mamaya. Are you dating your doctor?" Tumaas ang kanyang kilay.

Umiling naman ako. "I'm not dating anyone, Kuya. My energy is so drained to think of dating anyone." I answered. "Humingi lang ako ng pabor. Late akong uuwi mamaya o baka hindi ko magawang umuwi."

Gusto kong dumating ang puntong hindi na ako aasa ng kasiyahan sa isang lalaki at maging kontento na lang sa sarili ko. Gio became my world and when everything fell apart, I was crushed into pieces.

"Okay, take care of yourself, Catherine." Nagpatuloy siya sa pagkain.

Sinimulan ko namang kainin ang pagkaing nasa hapag ko. Kahit walang gana, pinilit kong ubusin ang kanin at ulam. I was only eating because I was required to eat. I don't want my health to deteriorate once again.

Bumungad sa labas ng bahay ang kotse ni Doc Kenji. Lumabas ito ng sasakyan nang makita ako. Nagtagpo kami sa harap ng bahay.

"How are you?"

Fragments ✔ (Haciendero #2)Where stories live. Discover now