Unang Kabanata

66.7K 1.1K 193
                                    

Kabanata 1

Mine

"Catherine."

Another knocks were heard on the door of my room. Nagtahob ako ng kumot para hindi marinig ang mga katok. I'm sure, maaga pa. Hindi ko pa ramdam ang sikat ng araw sa aking balat. Minsan pumapasok na lang ito sa aking kwarto ng walang pahintulot ko.

Tumigil ang pagkatok. Mukhang nahimasmasan ang taong nasa likod ng pinto na wala pa akong balak gumising. I still want to sleep more.

"Catherine, we're going to be late for school." mahinahon ngunit mariing sinabi ni kuya Santino.

Maaga pa! Anong mali-late? Oh! Realization hit me. Ngayon ang first day of school. Ngayon ang first day of school! Ano naman kung ngayon? Naiiyak akong nagmulat ng mata. Dahan - dahan akong bumangon sa kama. Sinuot ko ang home slippers ko, pinagbuksan ko ng pinto si kuya.

Hindi ako nagmadali, late na rin naman kami. Susulitin ko na ang bawat segundo. Nawala sa isip kong mayroon ng pasok kinabukasan.

"Good morning," nakangisi kong bati.

Kuya Santino didn't smile. Halata ang kunot sa noo nito at iritasyon. Napakamot ako sa ulo.

"Maligo ka na, bilisan mo," Umirap ito sa akin. "The breakfast is ready. Make it fast, Catherine. Hindi ako natutuwa. You should've set an alarm."

Humaba ang nguso ko. Ayoko ng alarm, mas lalong nabubulabog ang utak ko. Hindi na nga ako matalino, mas lalo pang natutuluyan.

"Calm down, kuya. She's just a child." saad ni kuya Anselm nang dumaan ito, he was already wearing a uniform.

"She's a teen, Anselm. And even if she's a child, she needs to learn the basic. Kailangan niyang matutong pahalagahan din ang oras ng ibang tao. She needs to be responsible. Hindi nauuwi sa maganda ang palaging late." pangaral ni kuya Santino. Nagkatinginan kaming dalawa ng kapatid ko.

"Old man is grumpy," I commented.

His forehead creased even more. "What did you say?"

"Joke lang, kuya! Sorry na!" Pinagsarhan ko sila ng pinto.

Pumasok ako ng banyo para sa quick shower. Binilisan ko ang bawat kilos. Baka lalong mairita ang mga kuya ko. Nawala sa isip ko na ito ang unang araw ng school namin. Kasabay ko na sila sa pagpasok, grade seven na ako. They are ahead of me.

I have for brothers. Si kuya Crispin, kuya Santino, si kuya Anselm at kuya Cassian. Ako ang bunso. Sometimes, it's fun to have brothers. Most of the time, they are just annoying.

Bumaba ako ng dining room ng suot na ang uniform ko. I blow dried my hair. "Good morning!" sigaw ko ng makababa ako.

"Good morning, our princess." bati ni daddy.

umakap ako sa kanya, hinalikan ko sila sa pisngi ni mommy. She's watching us with a smile on her face. Hinalikan ko silang lahat sa pisngi.

"Sorry na, kuya. Promise, babawi ako sa susunod." Itinaas ko ang kaliwang kamay ko.

"Fine, apology accepted." He poked my nose.

Ipinaghila ako ng upuan ni kuya Crispin. Kuya Cassian poured my plate with breakfast food. Sabay - sabay kaming kumain ng agahan bago pumasok ng school. We owned a part of the island in Alibijaban. It is our residence. Sumakay kami ng speed boat patungo sa pier. Once we arrived at the pier, mayroong sasakyan na naghihintay sa amin.

It's almost seven-thirty. Bumungad sa amin ang gate ng Camflora National High School. Kasabay ko si kuya Cassian at kuya Anselm patungo sa E-type building kung saan halos magkatabi ang room namin. Hindi ko alam kung paanong nakapasa sa pilot section. Hindi ako gifted lalo na sa utak.

Fragments ✔ (Haciendero #2)Where stories live. Discover now