Ikalabing-apat na Kabanata

23.3K 631 61
                                    

Kabanata 14

Ano... nagmamahalan...

Daddy invited my classmates for a weekend party. Sa villa sila tumuloy. Hindi naman lahat pinayagan, konti lang din ang nakadalo sa mga kaklase ko.

S'yempre, invited din si Gio kahit hindi ko siya kaklase pati si Lope. Kasama rin sa inimbitahan ko ang mga kasama namin sa fans club.

Hindi naman ako ang nakakuha ng title pero sa celebration ni daddy, parang hindi lang title ang nakuha ko, parang ako rin ang first honor ng batch namin. Hindi ko naman mapigilan si daddy. He was so happy.

Kasama sa mga dumalo si Jala, Atom at Chelsea, hindi naman pinayagan si Sai kaya hindi siya nakasama. Mas maraming naki-celebrate sa mga lalaki naming classmates, sila ang pinayagan.

The girls were in my room, salitan kami sa pagbi-braid ng hair. Maagang lumabas sina Aubrey para manood ng sunrise. Isa ako sa mga hindi nagising ng maaga.

"Nagtatampo sa'yo si Atom, Catherine." Biglang sinabi ni Jala.

Humarap naman ako sa kanila. "Bakit? Anong ginawa ko?"

"Hoy, hindi, ah!" Namumula naman ang mukha nito. Pinapak ko iyong nachos, umagang - umaga, chips ang inaalmusal ko.

"Crush kasi niya si Duncan," Jala spilled.

My eyes widened. Pinuyod ni Chelsea ang katatapos na fishtail braid. Ngumisi ako ng nakakaloko.

"Hindi kita aagawan, Atom. Si Gio ang crush ko." I told her.

Hindi pa ba iyon sobrang obvious? Ilang beses ko na iyong pinagtapat noong nakaraang taon pa. Hindi na iyon magbabago. Si Gio talaga, wala ng iba. Walang makakapantay.

"Si Ruby Pearl pa iyong katakutan mo, sigurado akong kapag natunugan noon, baka landiin si Duncan," komento pa ni Jala. Tumango naman ako. "Lalo pa at nanalo ng Mr. Camflora, babango iyon sa girls."

"Bakit? Mabaho ba siya sa girls dati?" inosente kong tanong.

Humagalpak naman ng tawa iyong dalawa.

Tahimik lang si Chelsea sa tabi ko, siya naman ang kinulit ko. Yumakap ako sa kanya. "Bakit ang tahimik mo?" tanong ko kay Chelsea. "Nag-away ba kayo ni kuya Anselm?"

Pinisil niya ang aking pisngi. "Catherine!" Tumawa naman ako.

Sus. Mga tinginan pa lang ng dalawa, halatang malagkit na. Mas malagkit pa sa kaning ginagawang biko.

Lumabas kami para kumain ng breakfast. Agad namang hinanap ng mata ko si Gio. He was with kuya Anselm, parang gusto ko na yatang magselos kay kuya. Sila na lang lagi ang magkasama.

I made a funny face when I saw Lope. Hanggang ngayon yata, ako pa lang ang nakakaalam ng relasyon nilang dalawa ni kuya Santino. Sa kwarto ko rin siya natulog kagabi. Bantay - sarado naman ako kay Lope. Inagaw ko muna siya kay kuya. Nag-bonding kami ng girls.

Pinauna ko ng kumuha ng pagkain ang mga kaibigan ko. Pinagtuunan ko ng pansin iyong gwapo sa may table.

Target locked.

"Good morning, Gio!" Bigla akong sumulpot malapit sa kanya.

He just rolled his eyes at me. Sungit!

Nilagyan ko ng lamang - dagat ang kanyang pinggan. Iyong malalaking alimango mismo ang inilagay ko.

"May gagawin ba kayo mamaya? Sama ako, ha!" I added tuna pasta on his plate. "Uy, kain na kayo! Breakfast na!" akit ko naman sa mga kaklase ko.

"Gusto mo ba ng hot chocolate or coffee?" I asked Gio.

Fragments ✔ (Haciendero #2)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz