Ikatatlumpong Kabanata

27.4K 649 122
                                    

Kabanata 30

Break

It's been almost a week since the last time we talked. Hindi ko rin alam kung paano ko nagawang matiis si Gio ng ganoon katagal. He gave me enough space to think. Hindi niya ako ginambala pero ramdam ko ang presensya niya, lagi siyang nagpapadala ng pagkaing luto niya kay kuya Anselm.

Ito na yata ang pinakamalaking away na namagitan sa aming dalawa. Most fights we had were petty, showing my immaturity.

Mukhang napansin na rin ng mga kapatid ko ang nangyari sa pagitan namin ni Gio. I felt like they were just afraid to ask me anything to confirm their hunch. Naghihintay lang ang mga itong magsabi ako sa kanila.

I picked up the phone and dialed my boyfriend's number. Wala pang ilang segundo sinagot na niya ang tawag. Huminga ako ng malalim.

"Catherine, are you there?"

Agad na lumukob sa akin ang iba't ibang emosyon ng marinig ko ang kanyang boses sa kabilang linya. Kinagat ko ang labi ko. I missed that voice. I missed him so much.

"Gio..." panimula ko. "Handa na akong makinig. Let's talk."

Ilang minutong nanahimik siya, tanging paghinga lang niya ang naririnig ko.

Pinag-isipin ko iyong mabuti sa isang linggong hindi namin pagkikita. That one week span of time helped me figure things out. I want clarity.

Gusto kong malinawan sa nangyayari sa kanya. Mukhang may problema siyang dinadala na hindi sinasabi sa akin. I wasn't able to see it.

I want to know why he hadn't told me things. Gusto ko munang linawin bago ako pumasok sa konklusyon. I never doubted Gio's love for me, knowing him, there's something behind his action.

"Mahal mo pa ba ako?" mahinang tanong niya.

Ngumuso naman ako. "Bakit mo naman itatanong iyon? Anong tingin mo naman sa pagmamahal ko, Gio? Madaling mawala?" I asked him. "Oo naman, mahal kita. High school pa lang. Nagtatampo lang ako, pero hindi naman ibig sabihin noon hindi na kita mahal."

"I love you, I missed you so much, Catherine." Rinig ko ang pangungulila sa tono ng boses niya. Ganoon din ako.

"I miss you." I told him. "Pupunta na lang ako sa apartment mo, okay lang ba?"

"Yes, I will wait for you. Let's settle things, love. I missed you."

The call ended abruptly.

Ayokong pag-usapan ang sigalot naming dalawa ng tawag lang.

Mabilis akong nagbihis ng pamalit na damit. Humarap ako sa salamin, sinuklay ko ang aking buhok at naglagay ng liptint sa labi ko. Liptint is life.

Sinuri ko ang kabuuan ko sa vanity mirror. Matapos ang ilang taong naging pugad ng pimples ang aking mukha, unti - unti itong nawala. May pailan - ilan pa rin naman, but it wasn't like before. It was outrageous.

Nadatnan ko sa kusina ang mga kapatid ko, I remember them calling me earlier for merienda.

"Kuya Cassian, pwede po bang ihatid mo ako sa apartment ni Gio?"

Napatingin silang lahat sa akin. They are also in sync with movements. Sabay - sabay silang tumayo.

"Care to tell us what's happening, bunso? I hate seeing you with that kind of energy." It was kuya Crispin who broke the silence. "Inaway ka ba ni Gio? Kailangan na ba naming upakan ang tarantado mong boyfriend?"

I sighed. "Kuya, hindi tarantado si Gio. May hindi lang kami pagkakaunawaan pero maaayos din iyon." paliwanag ko.

"Fine, I'll drive."

Fragments ✔ (Haciendero #2)Where stories live. Discover now