Ikadalawampu't Dalawang Kabanata

23.5K 650 152
                                    

Kabanata 22

Cheer Dance

"Wala ba kayong mga energy? Hindi ba kayo kumain ng lunch?" tanong ng baklang choreographer para sa cheerleading.

Inis na inis na ito sa amin. Pinatigil nito ang tugtog. "Masyado kayong lanta! Para kayong mga gulay na hindi nadiligan at tuyo't na tuyo!" Inirapan niya kaming lahat.

Wala namang nagtangkang magsalita sa sinabi ng choreographer. May punto naman siya, wala talaga kaming enerhiya pero hindi naman pwedeng sisihin kami ng husto, pagod din kami sa klase sa hapon. We are trying our best.

"Kanina pa iyong lunch, gutom na ako." Rinig kong komento ni Jala sa may likuran ko. "Wala naman talagang dilig."

Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang anumang senyales ng pagngisi. I just can't show it to the choreographer. Baka mas lalo itong mainis sa amin.

"Hindi kayo mananalo kung ganyan ang asta niyo! Kembot kung kembot! Wala dapat pabebe," saad pa nito. Tumingin siya sa direksyon ko. "May naririnig akong bumubulong na parang bubuyog. Sino iyon? Kung may gustong sabihin. Tell it directly to my face."

Napatungo naman ako. I don't want to make any eye contact. Baka ako pa iyong mapagbintangang may komento.

"From the top!" Muling sigaw nito ng matinis.

Bumalik naman kami sa unang formation, isa ako sa mga base. Hindi naman ako pwedeng maging flyer. Matangkad ako kumpara sa mga kaklase ko at medyo kabigatan. I'm not the ideal to be a flyer.

The stunts were not that complex and complicated. Ang pinipilit naming ma-achieve ay synchronous na galaw ng bawat isa.

We focused more on the dance. Iyong malinis tingnan at sabay - sabay. Iba ang complexity ng sayaw, talaga namang magaling ang nag-choreo. It was hard to learn for not professional dancers.

Masyadong matabil ang dila ng baklang choreographer, namamahiya siya tuwing practice kaya inaral ko ang bawat moves ng sayaw sa bahay.

"Hoy! Iyong mataba sa gilid, ayusin mo, ikaw lang ang pamali - mali sa grupo!" sigaw ng bakla.

Hindi ko na kailangang lumingon para tingnan kung sino ang tinutukoy nito, rinig ko ang malutong na mura ni Jala. "Putangina nitong tanginang 'to. Perfect?!" inis na inis nitong wika.

"Again, from the top!"

Nanlulumo akong bumalik sa una kong pwesto. Mas lalong nawawala na ang natitira kong energy. Lagi na lang kaming pinapaulit mula sa umpisa. Gusto ng sumuko ng katawan ko.

It was tiring. Pero hindi naman kami pwedeng sumuko, grade namin ang nakasalalay sa cheer dance. The scene went on for weeks. Bawat araw mas lalong dumadagdag ang pressure.

Minasahe ko ang aking binti. Pagkatapos ng practice, wala na akong gustong gawin kung hindi mahiga sa kama ko. Bahagyang nanakit ang buong katawan ko sa walang tigil naming practice.

Wala na halos estudyante sa buong campus, mangilan - ngilan na lang. Naisipan kong tumigil muna sa oval. Inayos ko ang palda ko at nahiga sa malambot na damuhan. I let out a long sigh and closed my eyes for a moment.

What a relief.

Nang magmulat ako ng mata, someone was staring at me with the pair of his beautiful eyes. His forehead was creased. Nanlaki ang mata ko at pinilit kong bumangon.

Halos tumama pa ang noo ko sa kanyang noo. Bakit noo pa ang nagtama? Hindi na lang labi. Joke! May kirot ang pagtama. Hinawakan ni Gio ang aking noo.

Fragments ✔ (Haciendero #2)Where stories live. Discover now