Ikalabing-walong Kabanata

23.3K 643 128
                                    

Kabanata 18

Kwak-kwak

Ito ang unang beses na hindi ako pumasok sa first period namin. Matatawag na yata itong cutting. Kabang - kaba ako habang nagtatago sa isang sulok ng gym.

Iniiwasan kong mapansin ako ng mga taong tinataguan ko. I was trying not to be seen by any of my brothers and my subject teacher. Hindi pa ako tapos sa project namin sa science. By pair iyon, pero si Ruby Pearl ang napatapat sa akin. Ako lahat halos ang gumawa, ayaw namang mag-cooperate ng babae.

Halos wala na akong tulog kagabi. Ngayong umaga ko lang nalaman na wala siyang gawa, minadali ko na lang ang pagtapos ng parteng dapat ay para sa kanya. Baka hindi tanggapin iyong project ko kapag kulang ang aking pinasa. Istrikta pa naman ang Science teacher namin.

Kanina ko pa gustong umiyak pero mamaya na lang kapag tapos na ako sa project. Para namang ang dali ng meiosis na cell division. Hindi ko na nga maintindihan ang meiosis I pati ba naman iyong meiosis II.

I glued the straw that resemble my chromosomes. Tiningnan ko ang oras, thirty minutes na lang hindi pa rin ako tapos. Mas lalong dumagundong ang aking kaba ko sa dibdib.

"Who's in the gym and skipping her first class?"

Nag-angat ako ng paningin, ang gwapo ng bumungad sa mga mata ko. Mayroon siyang sukbit na gitara, ginulo niya ang kanyang buhok at pinagtaasan ako ng kilay.

"What are you doing here, Catherine? Wala ka bang first subject?" He asked.

Muli akong bumalik sa illustration board na kinakabitan ko ng spindle fiber. Kinagat ko ang aking labi.

"Nag-cutting ako." Sumulyap ako sa phone ko. Pabilis nang pabilis ang oras.

"Why would you do that?" Pinakatitigan niya ang ginagawa ko. "Mali iyong homologous pairs na inilagay mo sa telophase II, baliktad sila."

"Ha? Alin?"

Pinasadahan ko ang parte ng illustration board na kanyang sinabi. Hilong - hilo na ako sa pag-iintindi ng project namin. Hindi ko na makita ang mali.

Biglang lumukob sa akin ang mabigat na pakiramdam na kanina ko pa pinipigilan. Parang pinagsakluban ako ng langit at lupa sa frustration na nadaraman. Boplaks na nga ang utak ko, ipinares pa ako sa walang ambag.

Ilang ulit ko namang ipinaalala sa kanya ang kailangan niyang gawin, um-oo lang ito. Pagsapit ng pasahan, wala man lang siyang ginawa.

"Catherine, why the hell are you crying?" Gio looked confused. "I don't mean to offend you by telling you got it wrong."

Pinahid ko ang luha ko gamit ang aking palad. "Hindi naman iyon, Gio. Pagod na ako. Malapit na ang time, hindi pa rin ako tapos sa cell division na ito! Ayokong bumagsak!" Ang sama - sama ng aking loob. "By pair naman kasi dapat, tapos hindi man lang ako tinulungan."

Naipon ito sa aking dibdib, sumabog ng magkaroon ng pagkakataon. I just can't accept the fact I wouldn't pass because of this project. Ang daming oras at pagod ang inilaan ko rito.

"Does crying resolve the problem?" Pinahid niya ang aking mata. "Pagkatapos mong umiyak, gagawin natin iyong project mo. Tahan na, Catherine."

"Paano iyan? Hindi pa ako tapos." Kinuha ko ang panyo ni Gio. Ako na mismo ang nagpahid sa aking kabuuan ng mukha. "Ilang minuto na lang."

"Who's your teacher?" Si Gio na ang nag-ayos ng cell division process ko.

"Si Ma'am Rosales, 'di ba teacher mo iyon dati?"

Fragments ✔ (Haciendero #2)Where stories live. Discover now