Ikalimang Kabanata

24.5K 721 164
                                    

Kabanata 5

Hacienda

Wala ako sa mood hanggang matapos ang event. Ilang beses na akong tinawagan ni kuya Crispin pero gusto ko lang mapag-isa. Masamang - masama ang loob ko. Ako naman kasi itong si assumera, in-assume agad na para sa akin ang kanta. Hindi na rin ako bumalik para hanapin ang mga kasamahan ko sa fans club.

"Where have you been? Kanina pa kita hinahanap, Catherine. Alalang - alala na si kuya sa'yo." Kuya Santino appeared from nowhere.

Sumimangot naman ako, mabilis kong pinahid ang mata ko para hindi niya makita. Sumama ako sa kanya. Mukhang katatapos lang ng program. Pinagalitan ako ni kuya Crispin sa hindi ko pagsagot ng texts at tawag niya, nanatili akong tahimik.

Hindi muna kami umuwi sa Alibijaban, we decided to rent a hotel. Gabi na. Mahirap ng magbiyahe sa dagat, kadalasang malakas ang hangin sa gabi.

"May gusto ka bang kainin? Hindi ka kumain kanina sa event." Kuya Crispin asked. Umiling naman ako sa kanya. "Galit ka pa rin ba kay kuya?" I just shook my head. Huminga siya ng malalim.

He kissed my forehead. Ramdam niyang matamlay ako.

Hinayaan niya akong mahiga sa kama. Lumabas siya ng kwaarto para magpahangin. Rinig ko ang tunog ng online games sa tatlong kapatid kong lalaki.

There are three beds in the room. Okupado ko ang isang bed, sina kuya naman ang magkakatabi sa dalawang kama. I am hugging my squishy toy named Oreo. Ito ang katabi ko lagi kapag natutulog simula pa noon.

Gio kissed another girl. Gio kissed her instead of me. Wala pa naman akong balak magpa-kiss pero nakakainis pa rin. Kahit sabihing crush pa lang ang nararamdaman ko sa kanya, may kumirot pa rin sa aking puso. It still stings.

Nagmulat ako ng mata ng makaramdam ako ng lamig sa aking balat. Nakangiti si kuya Crispin na may dalang ice cream tub. Two flavors iyon ng ice cream. Chocolate at cookies and cream. Ngumuso naman ako. Mayroon pang isang supot na may lamang pagkain at junk foods.

"Ngayon lang pumapayag si kuya na kumain ka ng junk foods," Inilahad niya ang kamay po at tinulungan akong bumangon sa kama.

Bumaba pala ito para bumili ng midnight snacks. Si kuya Santino ang nagbigay ng paper plate sa aming apat. Binuksan niya ang nachos habang nagpi-play sa screen ng telebisyon ang isang palabas. It was an animated movie. My brothers loved animated films.

"Don't be sad na, if it's a boy, he's not worth your tears." Humilig ako sa balikat ni kuya Crispin.

"You're a de Ayala, Catherine. No man is deserving for you. Saka nila ako angasan kung may ibubuga sila, achievements reveal muna." Pinisil ni kuya Santino ang aking pisngi. Kahit naman mukhang bulakbol ang kuya ko. He's honestly one of the top caliber in his class. Siya ang balak mag-doctor sa pamilya.

"Do you want me to kick him out of the band?" Nabigla ako ng tanungin iyon ni kuya Anselm.

"Kuya naman, hindi naman pwede ang ganoon. 'Wag mong gagawin iyon. Wala naman siyang kasalanan. Malinaw naman na hindi niya ako gusto. Pero crush ko talaga siya." pag-amin ko.

Piningot ni kuya Cassian ang tainga ko. "Catherine, you know how it is to be treated right. If a boy doesn't, leave. Always know your worth." Kinutsara ko ng malaki ang ice cream. Kung paalalahanan nila ako parang mag-aasawa na ako.

We enjoyed kuya Crispin's treats while watching. I devoured the ice cream and nachos. Halos hindi na kami natulog. Kuya Cassian fell asleep. Napagtripan nilang magdrawing sa mukha nito.

Umuwi kami ng Alibijaban ng umaga. Ang daming pagkaing hinanda ni mommy sa pag-uwi namin. Humalik ako sa kanyang pisngi at yumakap.

"Asan po si daddy, mommy?" tanong ko sa kanya.

Fragments ✔ (Haciendero #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora