Ikaapatnapu't Walong Kabanata

27.8K 844 308
                                    

Kabanata 48

Everything that happened

Three months later...

"How's the new recipe, Kuya?" Tinanggal ko ang suot kong apron.

Naupo ako sa tapat ng kapatid ko. Kami ni Kuya Crispin ang palaging magkasama sa Alibijaban. He didn't go back to the corporate world yet. Mas pabor naman iyon, hindi masyadong stressful.

Iba pa rin talaga ang healing power ng probinsya. Sariwa ang hangin, may magandang tanawin at relaxing...

I was finalizing the menu for my buffet-style restaurant with affordable price. Ang tagal ko nang gustong simulan ang naturang restaurant, buhay pa ang mga magulang namin, ngayon lang ito natuloy.

"Why don't you ask this kiddo beside me?" Sumulyap si Kuya sa katabing bata.

Napanguso naman ako. Maganang kumakain si Trojan Miracle sa tabi ni Kuya, kasama niya ang kanyang mga kalaro sa pagkain. Sila ang taste testers ko sa mga niluluto kong pagkain.

The food was enough to feed a community. Kaya nagdadala si Trojan ng mga kalarong bata upang sumalo. Trojan is very much appreciative of food. Para sa kanya, lahat masarap lalo ang pagkaing niluto ng may pagmamahal.

Madalas ko siyang hiramin sa kanyang mga magulang tuwing nasa San Andres ang pamilya nila. Aliw na aliw ako sa bata. Siguradong pinagkakaguluhan din si Trojan ng kanilang pamilya, ako nga na hindi kapamilya, gusto lagi siyang hiramin. Ano pa kaya ang mga kamag-anak?

Sai is my business partner. She worked with a restaurant before. Siya ang naka-assign sa magiging city branch ng restaurant.

Humalakhak si Kuya. Napangiti naman ako. Mas lalo siyang sumisigla sa mga nagdaang araw. Ang laki na rin ng progress niya. Paunti - unti na siyang nakakapaglakad sa bagong bakal na paa.

"You don't have to worry too much, you're doing great. These are bomb, right, Trojan?" Ginulo ni Kuya ang buhok ng katabing malusog.

Lumingon sa kanya si Trojan na may amos ang gilid ng labi. Pinunasan ko naman ito.

"Bakit po bomb, Tito Crispin? Hindi naman po ito bomba." He asked innocently. "Masarap po, Tita Catherine. Lagi naman pong masarap ang luto mo."

"I mean it in a not literal way, Trojan."

"Okay po, Tito Crispin. Bakit po may figurative speeches pa po? Hindi po direkta na meaning na lang? Mas marami po ang misinterpretation." Kuya was speechless with Trojan's question.

He probably didn't expect to be questioned by a young individual like Trojan. Naturally, at his age, ang dami niyang tanong sa buhay. It's a good thing to ask questions. Mas maganda iyong malinaw.

"Kaya mo na iyan, Kuya. Ikaw ang matalino sa ating dalawa." Tumawa ako.

Kinuha kong muli ang apron at tumungo sa kusina. Inasikaso ko naman ang mga huhugasan kong pinaglutuan.

Cooking, baking... doing the chores helped me a lot to recover. Whenever I bake or cook, my mind is at ease. Kapag produktibo ang aking ginagawa, madalang siyang pumasok sa isip ko. That's why I keep myself preoccupied with something to do.

I kinda learned how to deal with the pain without breaking myself into pieces. Hindi pa rin ako lubos na hilom. Malungkot pa rin ang mga gabi ko at mayroong pag-iyak.

But I could say, I was better than yesterday. Paunti - unti ang bawat hakbang ko patungo sa magandang disposisyon sa buhay.

Wala akong balita kay Gio o kay Merope. Hindi iyon binabanggit sa bahay.

Fragments ✔ (Haciendero #2)Where stories live. Discover now