Ikadalawampung Kabanata

25.9K 601 95
                                    

Kabanata 20

Lugaw

Kuya Santino finally introduced ate Lope with the family. Puro kantiyawan ng mga kapatid ko ang rinig na rinig mula sa hapag. Tinutukso ito ni kuya Crispin. Napuno ng tawanan ang dinner namin kasama si Lope.

Malugod naman ang pagtanggap nina mommy sa girlfriend ni kuya. They were nice and kind. Hindi naman sila matapobre. Daddy was a bit reserved in the dinner table. Mommy, on the other hand, was the one entertaining ate Lope.

Kailan kaya kami ni Gio? Legal na naman sa both sides, ipinagkasundo na nga kami. Pero hindi ko pa rin makamit ang matamis niyang oo.

"Is Santino treating you right?" Daddy asked of nowhere. Natigilan ang lahat.

Napainom naman ako ng juice ng wala sa oras. Ngumisi ako kay kuya Santino na bahagyang namula. He was probably caught off guard. Natahimik naman sa ingay ang mga kapatid ko.

"He's not a pain in the ass naman po, Sir. He treats me right. You raised him well." Lope answered.

"Nako, I thought we passed the 'sir' stage. You don't have to call me Sir, in fact, you can call me papa or tito." saad naman ni daddy.

"Dad, you're scaring my girlfriend."

Bumaling naman si daddy kay kuya. "Why? Aren't you dating her to marry?" Pinagtaasan siya ni daddy ng kilay.

Kung ako si kuya Santino, lulubog na lang ako sa lupa. Kaso hindi naman ako pagagalitan ng ganoon ni daddy kasi ako ang favorite, saka ako ang good girl sa pamilya.

"Of course, dad. I'm dating her to marry. Well, if she want. That's going to be after college. 'Wag niyo pong masyadong i-pressure, dad. Baka iwanan ako." Seryoso nitong sagot.

"Good, good."

Malaki ang naging pagngisi ko. Aba, sumasapaw sa amin ni Gio si kuya. Tumikhim naman ang mga kapatid ko.

"Single lives matter." Kuya Crispin said jokingly.

Tumawa ako sa pahayag ni kuya Crispin. Naunahan pa siya ni kuya Santino, siya ang pinakamatanda sa aming magkakapatid.

The dinner turned out fine. Hindi naman gaanong nag-freak out ang magulang namin. Si daddy lang ang may nalalamang pa-mysterious effect, but he exchanged banters with ate Lope after some time.

To: Gi0 cRusH <333

Gi0, gaLaW - gaLaW. BakA mA-$+r0kE

I sent the message. Hindi pa rin kami umuusad na dalawa. Kilala naman siya ng parents ko, pero gusto ko siyang ipakilala bilang boyfriend ko.

From: Gi0 cRusH <333

Ewan ko sa'yo, Catherine. Matulog ka na.

Bumali - balintong ako sa kama ng mag-reply si Gio. Ngumuso ako. Gising pa ang crush ko. Hindi ako mapakali. Naupo ako sa kama, sumandal ako sa headrest ng bed ko. Muli akong nagtipa ng mensahe para sa kanya.

To: Gi0 cRusH <333

hInDi PaH aq0uH ma22l0g, waLa kAh pAnG g00dniGhT mEsSaGe. hEhe

Kinagat ko ang labi ko habang hinintay ang kanyang reply. Lumipas ang dalawang minuto wala akong nakuhang sagot sa lalaki. Napakamot ako ng ulo.

Muli akong nagtipa ng mensahe para sa kanya.

To: Gi0 cRusH <333

Gi0.......... hInDi m0uH aq0uH mApApAnaGinIpAn kaPaG dI kAh nAg-rEpLy!!!!!!!!!!

Fragments ✔ (Haciendero #2)Where stories live. Discover now