Ikadalawampu't Siyam na Kabanata

23.7K 626 138
                                    

Kabanata 29

First sign of cheating

Agad kong ipinatong sa mesa ang dokumentong nakita kong nakakalat sa sahig. Kinagat ko ang labi ko. Pinadapuan ko ng feather duster ang libro ni Gio sa side table ng kanyang kwarto.

I am always welcome in his apartment. Madalas din ako tuwing wala kami parehong klase.

I presented to clean his room. Malinis naman at maayos ito pero iyon ang nakagawian ko tuwing pumupunta ako sa apartment niya. His apartment is near the campus. Mag-isa lang siya rito. Most of his cousins have apartments of their own near their respective schools.

Well, kuya Anselm chose to live with me and my brothers. Iyong iba naman nilang kabanda, mayroong kamag-anak na matitirhan malapit sa unibersidad. He's the only one living in this apartment.

Hindi ito kalakihan. Isang kwarto lang, maliit na sala at kusina. For some reason, it is still spacious. Gio was neat and clean with all his things. Mas marami pa yata ang gamit kong naiwan sa apartment niya kaysa sa dala niyang gamit.

Lumabas ako ng kwarto niya ng makarinig ako pagbukas ng pinto upang salubungin ang may-ari ng bahay. Nauna pa ako sa kanyang umuwi.

Mayroon naman akong duplicate ng susi, binigay niya iyon sa akin kung sakaling wala siya sa bahay at gusto kong bumisita sa apartment niya.

Kitang - kita ko ang pagod sa mukha ni Gio. Nang magtama ang aming paningin, unti - unting nagliwanag ang kanyang mukha.

"Can I have a hug? I need an energy booster."

Patakbo naman akong lumapit sa kanya upang yumakap. "You didn't tell me you're coming. Nasundo sana kita." Ibinaba niya ang mga gamit sa sofa. Sumunod ako kay Gio.

"Ayos lang, hinatid naman ako ni kuya Cassian."

Naupo siya sa pang-isahang couch at nagtanggal ng sapatos. Ginulo ko naman ang kanyang buhok. "Mukhang pagod ka, ah. Are you okay?" may pag-aalalang tanong ko.

I know his classes end early during Fridays. Kaya inagapan ko rin ang punta sa apartment niya. But probably, he had some errands to do.

He didn't answer my question. Sa halip ay tumayo siya para hataking muli ako sa isang yakap. I knew him. Ilang taon na kaming magkasintahan, alam kong mayroong bumabagabag sa kanyang isipan.

"Do you want to talk about it?" I asked.

Humimlay ang kanyang ulo sa aking balikat. I could hear his calm breathing. Gustong - gusto ko ang ganitong tayo naming dalawa.

"Later," sagot ni Gio. "Nagmeryenda ka na ba? Ipagluluto kita."

Muli siyang kumalas mula sa pagkakayakap sa akin. "May dala akong fast food para sa'yo." Ngumuso ako. "Hindi na ako nakapagluto, I was excited to see you."

"Thanks, my sunshine. You don't like fast food much naman. Ipagluluto kita. What do you want?" Hinawakan niya ang aking kamay at ipinaghila ako ng upuan sa harap ng mesa.

"Ano munang tugon?" I smirked.

He just shook his head. "Tugon, isang yakap mo lamang ay tanggal ang pagod ko." Seryoso niyang wika.

Natawa naman ako. Sa lahat ng bagay na pwede kong ituro ko kay Gio, puro kalokohan pa ang mga iyon. "Gio, kiss ko... damot!" Humalakhak lang ito patungo sa stove. Kumuha siya ng ingredients sa refrigerator.

Hindi rin ako nakatiis, tumayo ako mula sa pagkakaupo. Yumakap ako sa likuran ni Gio habang gumagawa siya sa kusina. Mukha akong lintang nakadikit sa boyfriend ko. Wala namang reklamo si Gio.

Fragments ✔ (Haciendero #2)Where stories live. Discover now