Ikalimampung Kabanata

37.1K 911 348
                                    

Kabanata 50

Chosen

"Parents, I'm here again..." panimula ko.

"Hindi dahil broken na naman ako. Patuloy po ang paggaling ko. Now, I can say I'm happy. My heart is happy. I'm here for one thing..." Kinagat ko ang aking labi at huminga nang malalim. "I'm adopting a child. Gusto kong iparanas sa isang bata ang lahat ng ipinaranas ninyo sa akin. You both are my greatest inspiration in life."

The fire in the candle ignited even more. Ngumiti ako.

"Daddy, mommy, I missed you so much."

I'm still wishing they were here to hug me. Miss na miss ko na ang kakulitan ni daddy. Mas lalo akong napilay noong nawala silang dalawa.

Bumaling ako sa puntod ng aking anak. "Musika, hi, anak. Lagi kang kasama sa prayers ni mama. Miss na miss kita. You will always be in mama's heart. May good news ako sa'yo, magkakaroon ka nang kapatid. I will bring her here. Ipakikilala ko siya sa'yo. Miss ka ni mama palagi."

Pinahid ko ang luhang dumaloy sa aking pisngi. Kung kasama ko lang sana si Musika, dalawa ko silang palalakihin ng pagmamahal.

Kumuha ako ng aklat at binasahan siya ng pambatang akda. Madalas ko iyong gawin nitong mga nakaraang araw tuwing dumadalaw ako sa anak ko. Sa tuwing bumibisita ako, lagi kong naabutan ang upos ng kandila o bulaklak na maayos ang arrangement.

I knew it wasn't from my brothers. Isa lang ang suspetsa ko, galing iyon kay Gio. But how does he do that? Busy rin siya sa kanyang karera sa industriya. Ganoon talaga siguro, kapag gusto mayroong paraan.

***

The papers were processed for adoption.

Pinasadahan ko ng tingin ang Shelter nang makababa ako ng sasakyan. Kasama ko ang mga kapatid ko, mayroon ding dalawang social workers na nakaantabay sa amin. Matapos ang ilang linggong proseso ng papel, umusad kami sa sunod na step.

We were going to have supervised trial custody for at least six months. Ngayon ay susunduin namin ang anak ko... anak ko. The moment I decided to adopt her, she's my legitimate child.

Sinalubong kami ng mga madre at pinapasok sa loob ng Shelter. Magarang nakabihis ang mga bata. The kids were smiling at me. Kumaway ako sa kanila.

Ariadna Cameron was wearing her pink dress and pink bow. Agad akong ngumiti sa kanya.

"Hi, Ari." Pumantay ako sa batang babae.

"Hello po, ma'am Catherine."

"Sabi ko naman sa'yo 'di ba, 'wag mo akong tawaging ma'am. P'wede ang kahit ano, tita, ate, Catherine. Basta, 'wag lang ma'am." I reminded her.

"Sorry po," hingi niya nang paumangin.

Umiling naman ako. "It's fine. Uuwi na tayo sa bahay natin ngayon, ayos lang ba iyon sa'yo?" She nodded her head softly.

I handed her a bag of chocolates and other gifts to be given to her friends.

"Play ka muna with your friends, share mo ito sa kanila. Don't worry, Ari. Every time, you miss them, we will visit." Tumango naman siya at ngumiti. She joined her friends afterwards.

Kinausap ko naman ang mga madre. "Catherine..." Sister Lily held my hand. "Naniniwala akong mabibigyan mo ng magandang buhay si Ariadna. Busilak ang iyong puso."

"I will strive and do my best to give her a better life, Sister. I-guide niyo po kami sa tamang landas." Pinisil niya ang aking kamay.

"You'll be a great mother and guardian, Catherine."

Fragments ✔ (Haciendero #2)Where stories live. Discover now