Ikawalong Kabanata

23.7K 669 122
                                    

Kabanata 8

Ipaghimay mo naman ako...

Natapos ang school year ng walang progress na nangyari sa pagitan namin ni Gio. Zero. Hindi pa rin ako ang crush niya. Ang dami niya pa ring nilalanding ibang babae. Pwede naman niya akong landiin, bakit iba pa? Babae din naman ako. Hindi lang kagandahan.

May next school year pa naman, warm up pa lang ngayon. Babalik akong mas malakas sa susunod na school year. Ako talaga ang surot sa buhay ni Gio.

"Nakapagsagot na ba ang lahat sa slam book ko?" tanong ko sa mga kaklase ko.

Pinagpuyatan ko iyong gawin kagabi para may remembrance ako sa kanila. Hindi ako sigurado kung next year kaklase ko pa rin sila. I'm not really intelligent. Sa Math pa lang, laglag na ang grades ko.

"Tapos na ako, Catherine!" sigaw ni Jala.

Wala na kaming klase, tapos na rin ang exams namin. Pumasok ang ibang teachers namin to formally end the school year. Mayroong pinag-ambagan na cupcakes na ibinigay namin sa teachers as token of appreciation.

Pinasagutan ko naman iyon sa iba pang hindi nagsasagot, kahit sa mga kaklase kong lalaki, pinilit ko sila. I was torn between being sad or happy now that the school days are over. Masyadong matatagalan kong hindi makikita si Gio.

Si Lope lang ang pag-asa kong makita siya sa summer, sana imbitahan niya akong muli sa mansyon ng mga Ponce. I would invite her to our home. Pwede siyang mag-sleep over sa bahay.

Pumunta ako sa room nina Gio ng mag-recess, gusto ko rin siyang magsagot sa slam book ko. Kinuntsaba ko muna ang mga kasama niya sa banda. Sina Oliver at Atlas muna ang nag-fill out ng questions.

"Gio, dali na, please! Pasagot naman, oh! Sinagutan nga ng bandmates mo." pangungulit ko rito. I pouted. Sabi ni kuya Santino mukha raw akong isdang nagpa-pout.

Kapag binuklat ni Gio ang slam book, ako ang unang bubungad sa kanya. Makikita niya ang kanyang buong pangalan sa crush ko.

He sighed and accepted the book of questions. Pinahiram ko iyong ballpen kong may glitters para bongga. Naupo siya sa katapat kong desk.

Nangalumbaba ako habang nakatingin kay Gio. Wala ang pokus niya sa akin kaya malaya ko siyang napagmamasdan. Ang gwapo kahit anong anggulo.

"Tuloy ba ang practice niyo kahit bakasyon?" usisa ko kay Atlas, siya ang malapit sa tayo ko na maaaring pagtangungan. Ayoko namang isturbohin si Gio sa pagsasagot niya sa slam book.

"Depende kung may free time ang lahat." Tumango naman ako. "Baka may out of town ang iba, edi walang practice."

I'm positive, I will still see Gio in the house. My emotions remained neutral. Deep inside, tuwang - tuwa ako.

Mayroong pumingot sa tainga ko matapos ang ilang minutong pananatili ko sa room ng grade nine, it was kuya Anselm.

"Andito ka na naman?" taas na taas ang isang kilay niya. Pinitik pa niya ang aking ilong.

"Kuya naman!" reklamo ko. "Nagpapasagot lang naman ako ng slam book!"

"Bawal dito ang grade seven."

I stuck my tongue out. Hinintay kong matapos si Gio, ginulo naman ni kuya ang buhay ko habang nasa loob ako ng kanilang room. Walang tulak kabigin na gwapo ang mga kuya ko, pero minsan, isa rin silang peste.

"All done," Inabot ni Gio ang slam book pabalik sa akin.

Ngiting - ngiti naman ako. "Thank you, Gio!"

Fragments ✔ (Haciendero #2)Where stories live. Discover now