Ikatatlumpo't Limang Kabanata

25.8K 680 146
                                    

Kabanata 35

One text message

It's been a day since Gio had a sudden trip to Manila. He's been occupying my mind every second of the day.

Hindi naman siya nagkukulang na tawagan ako at mag-usap kaming dalawa sa phone. He would call me always to talk. Updated ako sa lahat ng bagay na ginagawa niya habang nasa Manila. It made me feel better, somehow.

Isang araw pa lang kaming halos magkahiwalay, hindi na agad ako mapakali. Kulang na kulang ang tawag at texts, gusto ko siyang mahagkan at mayakap.

Buong maghapon akong nanatili sa kwarto ko, wala rin akong ganang lumabas. Laging gusto kong matulog. It's becoming a habit now. I always feel the need to sleep.

"Catherine, let's have lunch!" Kuya Santino knocked on the door of my room.

Bumangon ako. Napahawak ako sa table ng halos mawalan ako ng balanse. Ilang minuto akong tumigil bago ako muling naglakad patungo sa pinto.

Sumalubong sa akin ang kunot-noong si kuya. "Sungit naman." I pouted.

Yumakap ako sa kanya. Hinalikan naman niya ang noo ko. "Sabi ni kuya Crispin, you don't look okay daw. May problema ba? Are you sick, Catherine?" He checked my temperature.

"Iba talaga ang doctor namin." Umiling naman ako. "Okay lang po ako, masyadong excited lang."

Pinitik niya ang ilong ko. "Probably. Miss na miss mo naman agad si Gio. Let's eat." Inakbayan niya ako, sabay kaming bumaba ng hagdan.

Our family was already gathered in the dining area. Agad akong lumapit kay daddy upang yakapin siya.

Nakaka-miss ding umuwi sa bahay tapos lahat kami sama-sama sa pagkain. Lagi akong nalulungkot tuwing isa - isang umaalis ang mga kapatid ko para sa kolehiyo, ako pala itong unang mag-aasawa.

No regrets. I'm done with university. Hindi man ako ang pinakamatalino sa pamilya namin, natapos ko ang aking degree.

I have my diploma and made my parents proud. Sapat na iyong accomplishment sa akin pero s'yempre, hindi naman doon matatapos ang paglago ko bilang tao, kasama ko nga lang si Gio sa bawat hakbang.

There's really no doubt, I enjoyed my childhood so much. My parents loved me with incomparable amount as well as my brothers. Ang swerte ko sa pamilya.

I sighed. "Thank you for everything, daddy. Mahal na mahal ka ng bunso mo."

"Catherine, don't make me cry again." He chuckled. Inakbayan niya ako. "How are you? Masama pa ba ang pakiramdam mo?"

"I'm well, daddy. Medyo nahilo lang po ako. It's probably excitement and nervousness. 'Wag ka pong mag-worry."

"Fine."

Ipinaghila niya ako ng upuan bago siya naupo. Sina kuya naman ang nag-asikaso kay mommy.

Inasikaso ni daddy ang plate ko. I just told him what I wanted to eat. Nitong mga nakaraang araw, napakaselan ko sa pagkain. Sensitibo rin ang pang-amoy ko.

Mas lalo akong natakam sa mga pagkaing fresh sa dagat. I have always loved seafood.

"Where's kuya Anselm?" I asked, not finding my brother in the table.

"Kasama si Chelsea." Ngumisi si daddy. Tumingin ito kay kuya Crispin. "Look at your younger siblings, Crispin. Mukhang mauunahan ka pang mag-settle."

"Dad, I'm so fed up with marriage talk, please. Let's be happy that your other offspring is settling already." Kuya Crispin pouted.

"I'm sorry, son. That's not what I really meant." Tinapik ni daddy ang kanyang balikat. "But let me know if there's a change of sexuality."

Fragments ✔ (Haciendero #2)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin