Ikalabintatlong Kabanata

21K 601 98
                                    

Kabanata 13

Pageant

Pinatawag kami ni Sir Morales para sa huling practice at paalala sa pageant. I went to the girls comfort room first to wash my face. Halatang - halata ang pamumula ng aking mata sa pag-iyak. Mapapagalitan ako kapag napansin niya iyon.

"This is it, pansit! Chin up, chest out. We're ready to slay!" He clapped his hands. "Oh, ikaw naman Catherine, busangot agad ang mukha mo. You'll attract the negativity." puna niya sa akin. My nose was still red.

I tried to smile at him. Pinilit kong i-waksi ang nasaksihan ko sa wedding booth pero hindi pa rin maalis - alis sa isipan ko. Ang sama pa rin ng loob ko sa tuwing naaalala ko ang nangyari.

Alas - singko pa lang, inayusan na kami. Mommy hired a professional make up artist. She bought new products for my face. Natatakot akong baka mas lalong mag-breakout ang pimples ko pagkatapos ng event.

Hindi naman isa - isa ang pagtubo ng tigyawat sa mukha ko, grupo - grupo sila. Ayaw sumunod sa pila.

My friends were all coming to wish me luck. One by one ang pagpasok, mas lalong sisikip sa may kaliitang makeshift dressing room ng candidates sa gym.

"Catherine, good luck! Galingan mo! Gumawa kami ng banners para sa inyo ni Lope." Ngumisi si Joan. Magkasama sila ni Aubrey dala ang banner para ipakita sa akin.

"Nasa labas din ang buong fans club para i-cheer kayong dalawa," dagdag pa nito.

Hindi ko naman mapigilang hindi mapangiti. Minsan mang hindi gaanong nagkikita - kita ang fans club, andoon pa rin ang solidarity. Hindi lang namin basta sinusuportahan ang Asymptote, nakabuo rin kami ng friendship sa samahan.

"Thank you, friends! Tumataba ang puso ko." I hugged them both.

"Ay, puso ba? Akala ko suso, presi." Joan's eyes widened. Natawa naman kaming tatlo.

Sumunod ang mga kaklase ko na halos pagsabihan ng mga teachers sa ingay. Mayroon din silang mga banner na dala at turutot pati drums na pampaingay sa tuwing lalabas ako ng stage.

Hindi ako sigurado kung may puntos ang audience impact. Alam kong magwawagi sila sa ingay.

Pumasok din ang mga kapatid ko. Nasa video call pa si kuya Crispin para mag-good luck. Hindi ito makakauwi, he has exams the following day. Ayos lang naman iyon sa akin, naiintindihan ko. Kailangan ni kuyang i-prioritize ang pag-aaral niya.

"You make us so proud," Pinitik ni kuya Santino ang ilong ko.

"Kuya naman! Alam na mamumula ang ilong ko!" Tumawa lang ito. "Catherine, our best girl."

Napatingin naman ako sa ginagawa ni kuya Cassian sa heels kong isu-suot. Tumaas ang aking kilay. "Kuya, anong ginagawa mo?" I asked, a bit bewildered.

"Nilalagyan ko ng piso, para hindi ka kabahan." Nag-apir sila ni kuya Anselm. Kunot na kunot naman ang noo ko.

Tumingin ako sa paligid, halos lahat ng nasa loob pasimpleng sumusulyap sa mga kapatid ko.

"Umalis na nga kayo! Nakakaabala pa kayo tapos ginugulo niyo ako." pagtataboy ko sa mga ito. They all kissed my forehead.

"Good luck, baby sister." Kuya Cassian waved.

Sabay - sabay ang mga itong lumabas ng dressing room, noon lang bumalik sa ayos ang mga kasamahan namin na nasa loob. I bit my lip.

I was waiting for Gio to wish me luck. Pero mukhang hindi iyon mangyayari. He didn't show up. Alam kong andito siya, magpe-perform sila mamaya sa stage. Huling dumalaw sa backstage sina mommy at daddy.

Fragments ✔ (Haciendero #2)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin