Ikatatlumpo't Isang Kabanata

26.1K 650 116
                                    

Kabanata 31

Yuyurakin...

"I did it!" My eyes watered.

I jumped excitedly towards Gio. Hawak ang diplomang nakuha ko matapos ang apat na taong kurso, yumakap ako sa kanya. I just graduated from my culinary course in college.

Totoo nga ang sinasabi nila, napakabilis ng panahon. It just flies so fast. Namalayan ko na lang tapos na ako ng kolehiyo, dating inaasam - asam ko lang marating ang puntong ito.

Here I am, the first culinary chef in our family.

"Proud na proud ang boyfriend mo." I heard him say softly.

Kumalas siya sa akin at pinahid ang maliit na butil ng luha sa aking pisngi. It was such a happy feeling. Naiiyak ako sa saya.

"Bagay talaga tayo," sinabi ko. Tumaas naamn ang kilay ni Gio. "S'yempre kapag medyo bobo ang girlfriend, need niya ng matalinong boyfriend para naman balance." Tumawa pa ako, umiling naman siya.

"Gusto ko lang malaman mo na bukod sa pinapasaya mo ako sa araw - araw, ikaw din ang dahilan kung bakit motivated ako sa buhay. I'm thankful for all your patience and sacrifices so I could learn things I don't understand easily."

From senior high school to college graduation, he was so patient with me. I wasn't the brightest kid. Ako ang madalas na nasa laylayan ang grades. Madalas nakaka-frustrate ako. Gio is like daddy in many ways and Sancho is an ideal husband.

He shook his head. "You always give me credit for the things you've worked hard for. Catherine. You made it. Not really because of me. It's because of you and your perseverance with your studies. Magaling ka, masipag ka, at hindi mo sinusukuan ang mga bagay nkahit mahirap. I'm just here to support you in ways I can." Hinalikan niya ang noo ko. "You deserve everything, love."

"Wala na, finish na." Pabiro kong wika. "Panalong - panalo na."

Muli akong yumakap sa kanya. "Thank you, Gio. And thank you for the six years of love. I love you."

"Mahal na mahal kita, Catherine."

It doesn't really matter how time flies so fast when I am with Gio. I enjoyed every second of it. Ganoon talaga kapag mahal ang isang tao, bawat minuto ay espesyal.

Abala ako sa plating ng dishes na ise-serve ko sa dinner naming pamilya. I was assigned with the food. S'yempre, ako ang chef ng de Ayala. I just took a modern twist with the classic dishes.

Napapitlag ako sa gulat ng mayroong yumakap sa akin mula sa likuran. Amoy pa lang at hawak, kilalang - kilala ko na si Gio. Sumandal ang kanyang ulo sa aking balikat.

"Need a hand?" He asked.

Umiling naman ko. "Nope, you're my visitor. Kaya ko na ito, thank you, my love." I kissed him on the lips before I continued what I was doing.

Ni-kiss ko si Gio. Ito na ba iyong tinatawag nilang chef's kiss?

Pinanood niya lang ako sa ginagawa ko, paminsan - minsang sinusubuan ko siya ng putahe. Tinulungan ako ni Gio na dalhin ang mga putahe sa mesa. My other brothers helped us with the utensils.

"These look so good, anak." Mommy smiled at me. "Dati lang, tinuturuan pa kita ng unang dish mong lulutuin. Now, you're a grown woman and you've achieved your dream job and now in continuous pursuit of the rest. Catherine, mommy is so proud."

Niyakap ko siya ng mahigpit. Tuwing naririnig ko ang mga katagang iyon sa kanila, tumataba ang puso ko sa saya. They are my source of strength. They inspired me to become who I am today. Ipinagpapasalamat kong sila ang pamilya ko.

Fragments ✔ (Haciendero #2)Where stories live. Discover now