Ikatatlumpo't Apat na Kabanata

24K 531 239
                                    

Kabanata 34

Sa paglubog ng araw...

The first time I laid eyes on the gown, I just fell in love with it.

Ang ganda. Kuhang - kuha nito kung paano ko ito nakita sa aking imahinasyon. Mommy's designer did well with his creation. I was teary-eyed seeing my wedding gown, finally.

The feeling was surreal. Nag-uumapaw ang kasiyahan sa emosyon kong nararamdaman habang pinagmamasdan ang wedding gown. Pinasadahan ko ng aking kamay ang beads na nakakabit sa pang-itaas na bahagi ng damit.

I smiled. Pinahid ko ang luha kong dumausdos sa aking pisngi. Hindi na ako makapaghintay na suotin ang gown.

"Wala ka bang balak isukat?"

Humarap naman ako kay Chelsea na nakaupo sa couch, she was sipping an expensive tea given by the owner. Siya ang kasama kong pumunta sa boutique. Sabay naming tiningnan ang gown niya bilang maid of honor. Kuya Anselm's Gio's best man.

Natatawa ako sa dalawa. They are fighting like tom and jerry the mean time Chelsea is here.

Hindi rin naman nagtagal ang tampuhan naming magkaibigan, kailangan ko lang talaga ng oras at kapayapaan upang makapag-isip ng maayos. She admitted her wrong and apologized, I accepted her apology.

Chelsea is helping me around for my wedding. She set aside her disapproval of my fiance. Sinusubukan naman niyang kilalanin pang maigi si Gio. I want her to know that I'm in the best hand.

Hindi ako pababayaan ni Gio. I'm safe with him. He's been consistent since the day we got back together.

"Hindi ba bawal iyong pagsusukat ng damit pangkasal, hindi raw matutuloy ang kasal? Pamahiin ng matatanda." Nagkibit - balikat ako.

Umirap naman siya sa ere. "Naniwala ka naman doon? Matatanda na lang ang naniniwala sa ganoong pamahiin. We're in the modern time. Paano pala kung mayroong kailangang i-adjust sa damit?"

"It's better be safe." Ngumuso ako.

She shook her head. "Hindi naman mababaw ang pagmamahalan ninyo ni Gio para hindi matuloy ang kasal." sinabi pa ni Chelsea. Ngumuso ako, s'yempre, hindi mababaw! "And you looked bloated the past weeks."

My jaw dropped.

Nanlaki ang mata ko sa turan niya. Dumako ako sa tapat ng salamin para tingnan ang sarili ko. The walls of the boutique are mirror, I can see my reflection.

"Do I really look bloated?" I asked Chelsea.

Lumapit naman siya sa akin. She looked at me from head to toe. "Kinda."

Sinukat ko ang aking kamay, pati ang aking beywang sa suot kong flowy dress. Mukha ngang nadagdagan ang aking timbang. Ang d'yahe naman. Kung kailan mas lalong papalapit na ang kasal, saka naman ako lumubo.

Ngayon ko lang napansin, nasapo ko ang aking noo. Sa totoo lang, ang sarap kumain at halos nawala sa isip ko nakailangan kong mag-stay fit para sa gown ko.

Nahawa na ako kay Jala tuwing bumibisita ang kaibigan ko sa penthouse. Lagi siyang may dalang pagkain o kaya naman ipinagluluto ko sila tuwing nasa penthouse.

"Sagana sa dilig, este sa pagkain." I bit my lower lip. Pinigilan ko ang sarili kong matawa sa sariling turan. Sinipat kong muli ang aking katawan sa salamin. "Panget bang tingnan?"

"Hindi naman. You are always beautiful, Catherine. But to make sure, you should try your gown for adjustments to be made." She suggested.

Tumango naman ako. Maybe, it's a good idea to try my wedding dress. I stroke my belly before allowing myself to agree with her. May kaba at excitement na naghahalo sa aking dibdib.

Fragments ✔ (Haciendero #2)Where stories live. Discover now