Ikalabing-anim na Kabanata

22.5K 662 105
                                    

Kabanata 16

Arrange

"Daddy! We got an invitation from the Ponce residence!" agad kong binalita kay daddy ang nangyari. I handed him the invitation.

He stood and walked out of the table to greet me. Tumigil si daddy sa ginagawa para suriin ang ibinigay ko. Yumakap ako sa kanya.

"You charmed the old guy, huh?" Natatawang tanong ni daddy.

Ngumisi lang ako. Hindi naman siguro. My name has a factor with that as well. Saka kilala rin naman nito ang mga magulang ko.

"Daddy, iyong usapan po natin." paalala ko pa sa kanya.

Huminga naman ito ng malalim. "You still remember that?" Ginulo niya ang buhok ko. Tinitigan akong mabuti ni daddy. "Are you really sure about him? Ang dami pa namang iba d'yan. Marami ka pang pagpipilian. Malawak ang karagatan, anak. I'm sure, there are a lot of fishes in the sea."

"But the ocean is already polluted, daddy. Kahit humanap ako ng iba, walang makakapantay kay Gio." I answered. "Saka, sabi mo kapag nagmahal ang de Ayala, isang beses lang. We would fall for that one true love."

Pinisil niya ang ilong ko. He shook his head and sighed again.

"Promise me, Catherine, if he didn't accept this proposal in the future and you didn't win his heart. You have to let go and move on. Hindi natin mapipilit ang isang tao na mahalin ka. It's going to be unfair for him." Daddy caressed my face gently.

Napamaang naman ako sa kanya. Hearing those words from my daddy... make me wonder what would happen if we don't end up each other. Nawalan ng kulay ang mukha ko.

It was the same question the guidance counselor asked me before. Ngayon lang nag-sink in sa utak ko ang ibig sabihin at bigat na dala ng mga katanungang iyon.

"Do you promise, Catherine?" He asked me once again.

Kinagat ko ang labi ko. "Paano po ako, daddy?"

"If that happens, you have us. Kawalan niya iyon." Hinalikan niya ang noo ko. "You told me, mapapasagot mo na siya. Catherine, your daddy's best girl. Kapag hindi iyon nakita ni Gio, it's not your fault."

"S'yempre, daddy, ako lang naman ang anak mong babae." Ngumuso pa ako. Tumawa lang ito at yumakap sa akin.

"Sweetheart, 'wag ka munang lumaki. Your brothers are having their lives already, ikaw na lang ang baby namin dito sa bahay." Bumuntong - hininga siya. "I'm honestly quite sad how fast moments happened."

Tinanggal ni daddy ang salamin niya sa mata. Pinahid niya ang namuong luha sa gilid nito.

"Kahit naman po lumaki na ako o magkapamilya na kami ni Gio---" Piningot niya ang aking ilong ng marinig niya ang sinabi ko. Mas lalong humaba ang aking pagnguso. "Basta, daddy, baby niyo pa rin ako ni mommy always." I raised my right hand to promise.

"Of course, of course." He smiled. "I don't know why I'm getting so emotional."

Hindi na ako nakasagot ng may narinig kaming marahang katok sa pinto ng opisina ni daddy. Pumasok si mommy.

"Dinner's ready, what are you two doing? Parang may umiiyak na naman, ah." puna ni mommy ng lumapit sa amin.

"Mommy, iyong asawa mo po, umiiyak... may drama po siya."

Natawa naman si mommy. Yumakap siya sa akin. She touched daddy's face softly.

"We talked about this, Sancho. Don't be afraid of their growth." She kissed daddy's forehead. "Alam mo naman, ang kuya Crispin mo last year, nag-move na sa Manila. This year, it's your kuya Santino's turn."

Fragments ✔ (Haciendero #2)Where stories live. Discover now