Ikalabindalawang Kabanata

22.6K 598 79
                                    

Kabanata 12

Foundation Day

"Teka lang naman --- hindi pa ako tapos kumopya!"

Bahagyang natataranta na ako sa Math assignment, konti pa lang ang nasusulat ko sa notebook. Kabang - kaba na ako. Sinubukan ko namang magsagot kagabi, hindi lang talaga kaya ng utak ko.

"Paano ito nangyari? Bakit ganito ang lumabas dito?" tanong ko kay Chelsea, iyong notebook ni Lester ang ginagayahan ko ng sagot.

Chelsea tried to explain me how the question ended up having an answer like that. Math is like another language to me. Hindi ko siya maintindihan ng mabilisan, the rest, kinopya ko na lang ang sagot.

Pinasa ko na rin ang notebook ko na dadalhin naman ng isa naming kaklase sa faculty.

"Guys, announcement!"

Tumigil naman ang lahat para pakinggan si Sai. Kababalik lang nilang dalawa sa meeting ng mga class presidents at vice ng lahat ng section.

"Regarding sa foundation day, there will be only six booths. Each grade level will prepare one. Naka-assign tayo sa jail booth." In-explain ni Sai ang mangyayari sa jail booth at ang points na ibibigay sa amin kapag nagawa namin ng maayos ang booth.

"Mayroon bang marriage booth?" Humalakhak si Atom.

"Meron, grade eleven iyong magha-handle."

Nakarinig ako ng tilian sa mga kaklase ko. Isa rin ako sa mga na-excite para sa marriage booth.

"Aasahan ko ang cooperation ng lahat. Kasama rin natin sa paggawa ang ibang sections. Iyong CAT officers ang manghuhuli ng mga estudyante, hindi tayo exempted." Mayroong umangal sa huling pahayag ng class president namin.

"Sai, may tanong ako!" Jala shot her hand upwards. "Regular ba ang klase natin sa foundation day?"

"Hindi," sagot ni Sai.

"Yes!" Everyone clapped at the news. That's the most exciting part. Walang klase. Pahinga sa madugong formula at assignments. Sumipol ang mga kaklase naming lalaki.

"Magkakaroon tayo ng ambagan for designs and such, ikukuha muna natin iyon sa class fund. Kayo ba? Anong gusto niyo? Since jail booth tayo, lahat ng mahuhuli, bibigyan ng ticket... sila ang bahala kung bibilhin nila ang ticket or they will spend at least an hour in the booth." Wala namang sumagot.

This is going to be exciting. Malas lang ng madalas mahuli ng CAT officers, hindi naman against sa rules na tumakbo.

"May isa pa," saad ni Lester. "Our section needs a representative for the Mr. and Ms. Camflora in our grade level. If we're lucky at napili ang candidates natin, sila ang representative ng grade eight sa pageant proper."

"Yes, and the funds that we are going to get in the jail booth, iyon ang magiging pondo natin para sa mga representative natin." dagdag ni Sai.

Tumango naman kami. "Sinong representative ng section natin para sa grade level screening?" It was Ruby Pearl who asked.

Ngumiti si Lester at tumingin sa direksyon ko. "Mayroon na tayong muse and escort na elected, sila ang magre-represent sa atin sa screening."

Nanlaki naman ang mata ko ng ma-realize ko ang sinabi niya. My mouth even parted.

Ako? Representative? No!

I never wanted to be a muse. Nagpa-panic ang kaloob - looban ko sa balita, anong alam ko naman sa ganoon? Ni hindi ako marunong magsuot ng mataas na takong. Hindi ako qualified sa ganoong patimpalak. Baka mag-uwian ang mga hurado hindi pa man nakakapagsimula kapag nakita ako.

Fragments ✔ (Haciendero #2)Where stories live. Discover now