Ikaapatnapu't Siyam na Kabanata

29.2K 781 156
                                    

Kabanata 49

Welcome back

Matapos ang pagbubukas ng branch ng Musika's Paradise sa probinsya, it was a success. Mayroon pang dumadayo mula sa ibang bayan upang matikman ang putahe ng restaurant.

It kept me busy for months. Sumunod naman ang branch namin sa Manila na tutukan ni Sai.

"Tita Catherine, ano pong p'wedeng i-help ni Trojan Miracle?" magalang na tanong ni Trojan.

Pinapanood niya ang paghihiwa ko ng ingredients. Inimbita ko ang pamilya nila para sa isang luch sa bahay namin sa Manila.

Napailing naman ako.

"Okay na po si Tita Catherine, baby. Play na lang kayo ni Max," tukoy ko sa kanyang aso.

Agad din namang nawala si Trojan sa kusina kasunod si Max na laging nakabuntot sa kanya.

"Hi," Sai greeted me.

Nginitian ko siya. "Hindi p'wedeng magtrabaho ang buntis." Paalala ko sa kanya, tumawa lang ito.

Halata na ang baby bump niya. I always teased Sai for her to choose me as a godmother of the baby in her womb. Mukha namang nagtagumpay ako.

I really love kids. They really make me happy. Seeing their delicate smiles always warm my heart.

Some of the people I know talked to me that I should've told Gio about Gianna Musika, in that case, maybe it would save our relationship. Maybe, we're still together. Huminga ako nang malalim.

The thing is, our relationship was never broken. Isa pa, hindi rin naman ako sang-ayon na anak ang mag-aayos sa gusot ng magulang. A child is there not to be the mediator of the parents or make the relationship work or become the foundation of strong and stable relationship, it's not the child's responsibility.

Masaya ako kung nasaan si Gio. Yes, I am truly happy for him wherever he is. At masaya rin ako sa kung nasaan man ako ngayon.

The road was bumpy during my healing state. Hindi rin madali, minsan may mga panahong nalulungkot pa rin naman ako. But every step I made is progress. Masaya ako sa bawat pagsulong.

"Sai, ha. Ako talaga ang ninang ng anak mo." Tumawa naman siya.

I pouted. Seryoso ako sa suggestion kong iyon.

"Bakit hindi ka sumama sa amin kapag dumalaw sa Shelter? Marami roong bata, sigurado akong matutuwa ka sa kanila pati na rin sa mga Sisters," saad niya. She inhaled deep breaths. "Naikuwento ko naman sa'yo ang pinagdaanan namin ni Trojan. They are our extended family."

I smiled at her. "I would love that. Next time, sasama ako."

Medyo naging busy lang ako nitong nakaraan pero balak ko talagang sumama.

Alam ko naman ang kuwento nilang mag-ina. To me, my friend was one of the strongest female representations in my life. Hindi ko lubos maisip kung paano ako makakaahon sa ganoong hirap.

"Nanay, I miss you! Hanap kita agad!" Marahang yumakap naman si Trojan sa kanyang ina.

He kissed Sai's belly. Maraming beses.

"Alam niyo na ba ang gender ni baby?" I asked them.

"Tita Catherine, want ko po na girl. Pero kung magiging boy, okay lang din po. O kahit ano po, siguro 'wag lang po maging dog ang kapatid ko. Want ko rin po pala ng dog, baka magtampo si Max." Natawa naman ako sa pahayag ni Trojan. He's literally a bundle of joy.

"Trojan, nanay can't bear a dog. Ikaw talagang bata ka."

He just laughed. Naglaro siyang muli malapit lang sa amin. Madalas siyang nakadikit sa ina. Napaka-attentive niya pagdating kay Sai. They made me smile.

Fragments ✔ (Haciendero #2)Where stories live. Discover now