Ikalabinlimang Kabanata

23K 671 67
                                    

Kabanata 15

Tubugan ng Kalabaw

Nagbakasyon kami sa condo unit ni kuya Crispin ng isang linggo, kaming dalawa lang ni kuya Cassian ang natuloy. We visited Tagaytay and places around the area. Mas nagagamit na ni kuya Crispin ang pagiging driver niya.

Hindi sumama si kuya Anselm, mayroon silang band practice. Samantalang si Lope naman ang dahilan ni kuya Santino.

College na si kuya sa susunod na school year kaya sinusulit na niya ang araw na magkasama silang dalawa. Nakapasa siya sa UP, BS Biology ang program niyang kukuhanin sa kolehiyo.

It's going to be long distance for them. I just hope they don't break each other's heart.

Ang bilis ng panahon, grade nine na ako sa pasukan. Grade eleven na si Gio. Dalawang taon na lang ang ilalagak niya sa Camflora. Kailangan ko na iyong sulitin.

Tatlong taon na rin akong mayroong crush sa kanya. Hanggang ngayon, hindi pa rin kami umuusad. Tatlong taon na hindi niya pa rin ako sinasagot.

Nag-iisip ako ng bagong tactics ngayong taon, kailangan ko ng sumipsip kay Don Fausto para maging boto siya sa akin. Bago magsimula ang klase, bumalik na rin kami ng Alibijaban. Kuya Crispin will spend the rest of his vacation in our town.

"Bear!" I called kuya Crispin's Siberian husky.

Tumakbo naman ito papalapit sa akin. He got a puppy while he was in the city. Bear is an additional to our family. Bakit hindi ko naisip na mag-alaga ng puppy? Dapat nagsabi ako kay daddy noon pa. It was just so cute and huggable. Sweet din si Bear.

Bihis na bihis na ako sa pagdalaw sa hacienda ng mga Ponce. In-invite ako ni Lope, s'yempre kasama si kuya Santino. Nakisabay na rin si kuya Anselm. Wala akong ideya kung alam na ni Gio o ng mga pinsan niya na nagda-date sila ng kuya ko.

"Ready?" asked kuya Santino.

Tumango naman ako sa kanya at nagpaalam kay Bear. Ihahatid kami ni kuya Crispin hanggang sa pier. Kay kuya Cassian maiiwan si Bear.

Sumakay kami ng speedboat patungong pier. Pinuyod ko ang buhok na inaalon ng hangin sa ere. Ang kalmado ng dagat.

Humalik sa noo ko si kuya Crispin. "You take care there, okay?" paalala niya. Ginulo niya ang aking buhok. He pinched my nose. "Ang tangkad mo na, Catherine."

"Ingat din ikaw pabalik, kuya. Love you!" Inabot niya sa akin ang backpack na dala ko. Kumaway ako kay kuya Crispin at sumunod sa mga kapatid kong nauna ng maglakad papunta sa sasakyan.

Kuya Santino will be driving the car. Ito ang unang pagkikita namin ni Gio ng magbakasyon ako sa siyudad. Na-miss ko siya kahit hindi maayos ang paghihiwalay namin noong huling araw ng klase.

Kahit nasa Manila ako, updated pa rin ako sa mga kaganapan patungkol kay Gio. Of course. Ang dami kong koneksyon, saka close ako sa ate niya.

Sumalubong sa amin ang nagtataasang puno ng niyog sa bawat daan. Magkaibang - magkaiba talaga ang lugar naming kinagisnan. He's like the lord of the jungle and I am the guardian of the sea. Ngumiti ako ng tuluyang matanaw ang mansyon.

Lope was already outside. Andoon din si Gio at ilang pinsan niya at ang matanda. They are playing with the horses. Litaw na litaw ang magandang genes ng mga ito kahit sa malayong agwat na pagitan namin. Agad akong tumakbo papalapit sa kanila. Nagmano ako kay Don Fausto.

"Good day po, si Catherine po ito," pagpapakilala ko sakaling hindi na niya ako natatandaan. "Ang babaeng baliw na baliw kay Gio."

"Of course, I remember you, hija." He said. "How are you? I haven't seen you in awhile. Akala ko, hindi mo na gusto ang apo ko." Humalakhak ang matandang may-ari ng hacienda.

Fragments ✔ (Haciendero #2)Where stories live. Discover now