Ikatatlumpo't Pitong Kabanata

25.5K 732 358
                                    

Kabanata 37

Let me go

Nagising ako sa mahinang pag-iyak. It was soft cries in the crib near my bed. Bumangon ako, nag-inat pa ako ng aking kalamnan. Gising na ang aking Musika sa umaga. Nauna pa sa siya sa aking magising.

Mabilis kong tinungo ang crib ng aking anak. I was smiling hard.

Her name is Gianna Musika.

Marahan ko itong binuhat sa aking bisig at isinayaw. I was humming a tune to her. Agad namang tumigil ito sa pag-iyak. Napangiti ako.

"Si mama lang pala ang kailangan para tumahan ang baby ni mama." Pagkausap ko sa aking anak na parang naiintindihan niya ang sinasabi ko.

Tuluyan itong tumahan. Tiningnan ko ang orasan sa side table ng kama. Hindi pa naman gaanong tanghali pero kailangan ng nutrients ng anak ko. Kinausap ko pa siya habang pababa kami ng kusina. Ipagtitimpla ko si Musika ng kanyang gatas.

She was very behaved. Lalo na kapag hawak ko siya at sinasayaw.

Mukhang wala pa sina mommy at daddy. Lagi silang nasa penthouse upang alagaan at magbantay sa anak ko. Medyo bumabalik na iyong sigla ko sa dati. I am baking again. I am cooking my specialties again.

That's all because of my daughter.

Kailangan kong maging okay at stable para sa anak ko. Siya ang source of strength at joy sa buhay ko. I was back on my track because of her.

Kung wala siya, baka tuluyang nawala ako sa landas. Nawala na sa akin si Gio, hindi pwedeng pati ang anak namin mawawala sa akin.

Ni hindi ko alam na buntis ako noon. I knew about my pregnancy the moment I almost lost my child. Akala ko huli na ang lahat... it makes me sad whenever I think of that memory.

Kaya ang saya kong lumaban siya para sa akin... siya na lang ang tanging pinanghuhugutan ko ng lakas. Without Gianna Musika, maybe I am not here now.

Nagbabago talaga ang daloy ng buhay kapag nagkakaroon ng munting supling. The moment I held her in my arms, my life was redirected. I was still hurting from what Gio did, but I had a reason to stay and continue my wasted life.

She was like a magical being with the capability of healing me slowly.

May bago akong pag-asa. I want to be a good mother to my daughter. She deserves the world.

Inilagay ko sa stroller si Musika, nilaro - laro ko muna siya ilang sandali. She was making those cute baby sounds. I was so happy.

Itinulak ko ang stroller patungo sa kusina. Kinuha ko sa cupboard ang gatas niya, nagtimpla ako ng formula. Wala akong ibang choice kung hindi fomula ang ipagamit sa anak ko.

I wanted to breastfeed her, but my doctor told me not to. Hindi ako healthy para i-breastfeed ang anak ko. It was my fault. Hindi ko inalagaan ang sarili ko simula noong hindi ako siputin ni Gio sa aming kasal.

I was in my dark phase of my life. Halos inayawan kong mabuhay. Ilang araw akong hindi kumain ng tama. Walang sustansya ang aking katawan. Hanggang ngayon, pinagsisihan ko iyon.

Kung alam ko lang sanang nagdadalang - tao ako ng mga panahong iyon, inalagaan ko ng mabuti ang sarili ko. Hindi sana naging matigas ang ulo ko sa pagkain. Nagkaroon sana ako ng lakas na magpakatatag.

Ipinilig ko ang aking ulo, hindi na maibabalik ng sana ang nangyari noon. What happened in the past already happened, I wouldn't be able to change it. Ang tanging magagawa ko lang, bumawi sa munting bundle of joy na nagbibigay ng pag-asa sa buhay ko.

Fragments ✔ (Haciendero #2)Where stories live. Discover now