Ikapitong Kabanata

23.3K 701 118
                                    

Kabanata 7

Araw ng mga Puso

Valentine's Day.

"Sigurado ka ba sa gagawin mo, Catherine?" Chelsea stared at me.

She was looking more and more anxious than I am. Dala namin ang speakers at mic. There was even a heart-shaped arc entrance at the E-type. Nakakainis lang na regular ang klase.

I bit my lip and nodded. Wala akong ideya kung bakit siya kinakabahan, wala naman kaming gagawing masama. Hindi naman kami magnanakaw na dalawa.

Medyo kinakabahan din ako sa panghaharana kay Gio lalo na sa maraming tao. I can carry a tune, but not like him, I'm not good. Madalas ding nasi-sintunado. But I still want to try to appreciate him even more.

Ang lakas na naman ng pintig ng puso ko, ramdam ko ito sa aking dibdib. Nag-set up kami ng speakers, wala ang subject teacher namin bago mag-recess kaya mayroon akong time para isagawa ang aming plano.

Tinakas ko pa ang speakers mula sa bahay kasama ng mic. Para lang kay Gio.

The mic echoed on the whole building. Natawa ako sa reaksyon ni Chelsea. Masaya akong kahit labag sa loob niya, sinusuportahan niya ako sa mga kalokohan ko lalo na sa panliligaw kay Gio.

Nang tumunog ang bell hudyat ng recess, nagsilabasan ang bawat estudyante ng grade eight at grade nine classroom. Hinintay kong lumabas si Gio, kinagat ko ang labi ko ng makita na magkasama silang dalawa ni kuya Anselm.

"Hi, Gio!" saad ko sa mic, kumaway pa ako sa kanya. "Happy Valentine's Day! Sana maging masaya ka sa araw ng mga puso kagaya ng kung paano mo ako pinapasaya sa araw-araw."

"Ayie! Ayie!" Nagpalakpakan ang mga nakikinood, sumipol pa ang ibang lalaki. Agad na kumalat ang pamumula sa aking mukha.

Seryoso naman ang tingin ni Gio sa gawi ko, kuya Anselm didn't like it, obviously. Masamang - masama ang tingin niya, para bang gusto na nito akong hatakin palayo sa crowd.

"Pagpasensyahan mo na ang boses ko, I'm not good, but for you, I'll try to be better." I blushed even more. The instrumental key of the song Adore you by Miley Cyrus played on the speakers.

Nakatitig lang ako kay Gio, wala akong maapuhap ng ekspresyon sa kanyang mukha. He was too serious. Ganoon pa man, wala akong kabang nararamdaman habang nakatingin sa kanyang mga mata. He's the calmness in my turmoil being.

Baby, can ya hear me?
When I'm crying out, for you
I'm scared oh, so scared
When you're near me
I feel like I'm standing with an army
Of men armed with weapons, hey oh

When you say you love me
Know I love you more
When you say you need me
Know I need you more
Boy I adore you
I adore you

I smiled at him. Hindi niya tinugon ang aking ngiti.

"Happy Valentine's Day, Gio! Crush na crush kita!" announce ko pa sa mic. Mas lalong namula ang aking pisngi. Tinatablan naman ako ng konting hiya, pero mas malakas ang loob kong magtapat sa kanya.

"Anong kaguluhan ang nangyayari rito? Aba't may nanghaharana yata! Students, go back inside your room or have your recess!" I froze on the spot. Nagsipulasan naman ng mabilis ang mga nanonood.

Dinaanan lang ako ni Gio. Pasimple kong kinuha ang speakers. "And you miss, what's your name?" tanong ng guidance counselor. Agad kong namukhaan ang babaeng may salamin. She looked really strict.

Fragments ✔ (Haciendero #2)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن