Ikaapat na Kabanata

24.7K 698 130
                                    

Kabanata 4

Retake Exam

"Hi, I'm Andrea. And'yan ba si Gio? Pinapapunta niya ako rito para manood ng band practice. Alam din ni Anselm. Katulong ka ba nila?" I blinked several times.

"Nasa music room ni kuya," Nag-iba ang ekpresyon sa mukha ng babae. Para itong nahiya. Nilakihan ko naman ang bukas ng pinto, pinapasok ko ang babae.

Tinuruan naman ako ng magulang kong maging hospitable pagdating sa bisita. Sinamahan ko siya patungo ng music room. Nagkatinginan kami ni Gio bago ako lumabas at iwan sila roon. Agad siyang nagbawi ng tingin.

Bumalik ako sa kwarto ko. Hindi na ako lumabas para iwasang makita ang makakasakit ng mata. May parte sa aking naiinis kay Gio. Nagdala pa talaga siya ng fling niya sa bahay namin.

Wala naman siyang responsibilidad maging sensitive sa feelings ko, pero may kirot na konti sa puso na hindi man lang niya inalalang crush ko siya. Huminga ako ng malalim. I'm strong. I'm strong. I reassured myself. Hindi ako magigiba ng konting sakit.

Nagpokus muna ako sa mga gawain ko sa school. Hindi naman ako masipag na estudyante pero natapos ko ang mga assignment ko ng isang upuan. Wala nga lang akong ideya kung tama ang ginawa ko. Baka mag-running for honors pa ako dahil sa heartache.

Bahagya akong na-busy ng mga sumunod na linggo sa sunod - sunod na exams. Kailangan ko pang i-retake ang exam ko sa Math. Kabang - kaba ako. My classmates are helping me pass the subject. Hindi sila nagsawang turuan ako ng mga formula at tamang pagsagot ng mga problems.

Dumaan ako sa faculty room matapos ang klase. Nakaramdam ako ng takot. Baka tuluyan na akong bumagsak kapag hindi ko pa naipasa ang retake exam ko. Ayoko namang maiwanan ng mga kaklase ko.

Absent si Ruby Pearl kaya hindi ko ito kasabay sa pagkuha ng retake. Excuse din ang atleta naming kaklase.

"Good luck, Catherine!" Pinisil ni Chelsea ang kamay kong hawak niya nang makarating kami sa tapat ng faculty room.

Abot langit ang kabog ng dibdib ko. Kumatok ako sa pinto bago sumilip. Ilang teachers ang nasa loob.

"Magandang hapon po," Kinagat ko ang labi ko.

"Pasok, Ms. de Ayala."

Sumunod naman ako sa sinabi ni Sir, tumungo ako sa kanyang table. My knees were trembling. Nagpatuloy naman sa ginagawa ang nasa loob ng faculty. Inisip ko na lang na mayroong invisible barrier. Pinaupo niya ako sa katapat niyang upuan.

"I'm very disappointed with the result of your examination. Napakadali lang ng exam, hindi mo man lang nagawang makakuha ng kalahating tamang sagot." sinabi nito. Mas lalo akong napayuko.

He handed me a test paper. Unang tingin ko pa lang napalunok na agad ako. Nablanko ang utak ko.

"Calculator lang ang pwede mong gamitin. Dala mo ba ang phone mo?" Umiling naman ako.

Iniwan ko kay Chelsea ang phone ko, pinaalala nitong bawal akong magdala ng phone, kaya hindi ko na tinangkang dalhin.

"This will be your last chance, Ms. de Ayala. Kapag hindi ka nakakuha ng passing score, hindi ka makakapasa sa subject ko." He warned me. I gulped hard.

Alam ko naman iyon kaya kabado talaga ako. Sumulat na ako ng pangalan ko habang nagco-compose ng munting dasal sa aking isip. Nakasagot ako sa mga unang parte. Sinubukan ko na ang computation. Nasusundan ko pa iyon noong una, pero ng mga sumunod na steps, muli akong nalito.

Nagpatulong na ako kay Sai pati kay Lester, tinuro nila ito pero limot ko na naman. Naiiyak na ako.

"Excuse me po, Sir. Pinapatawag na po kayo sa senior high para mag-judge ng baked goods ng HE students." Napatigil ako sa pagsusulat.

Fragments ✔ (Haciendero #2)Where stories live. Discover now