Ikaanim na Kabanata

23.8K 723 120
                                    

Kabanata 6

Gift

Months passed by so quickly. December na agad. I love December. Malamig ang hangin, saka may school break. Christmas season na rin. Hanggang ngayon naniniwala pa rin ako kay Santa Claus, kahit nahuli ko si daddy noong grade four ako na nilalagyan ng money at gift ang socks ko na nakasabit para sa Christmas eve.

Kanya - kanya namang paniniwala, at gusto ko pa ring maniwala kahit malaki na ako. The season won't be the same without believing the jovial, white-bearded man in a red coat and with small spectacles. Si daddy talaga ang Santa Claus ko kaya sa kanya ko hihilingin si Gio.

A white t-shirt and a black button-down skirt complete my look for our Christmas party, and with black Converse footwear. Inibabawan ko ng brown jacket na fleece ang lining ang suot kong white shirt. Mayroon din akong suot na party hat na kulay red.

Nabunot ko si Atom bilang monita ko. I baked a homemade cookies for her. Binilhan ko rin siya ng set ng art materials. Cartoonist ang kaklase ko ng school paper. Si daddy ang nag-pledge para sa food ng party namin.

"Ang monita ko ay walang iba kung hindi si..." Chelsea looked at me. "Catherine, my best friend."

Malaki ang naging pagngisi ko habang tinanggap ko ang regalo. Niyakap ko si Chelsea. Inilagay ko muna iyon sa ibabaw ng desk ko, ako naman ang pumunta sa unahan.

"Ang monita ko ay si Atom." sinabi ko. I gave her my gift and we hugged. "Merry Christmas. Sana magustuhan mo ang gift ko sa'yo."

"Thank you, Catherine!" Muli akong bumalik sa desk ko. Magkatabi kaming dalawa ni Chelsea. The program continues. Hinintay naming matapos ang lahat bago i-open ang gifts na natanggap.

Ngiting - ngiti ako ng makita ko ang gift ni Chelsea sa akin. It was a Chomper shark splushy toy.

"I love it, Chelsea!" Niyakap ko siyang muli.

May gift din ako para sa kanya. It was a shirt, matching kami, na may embroidery. Initials lang ang nilagay ko sa kanya. Ganoon din sa akin.

"Merry Christmas!" They would go out of town for Christmas kaya hindi ko ito maibibigay sa kanya sa saktong Christmas day.

Walang napagod sa picture-taking at pagkain. Marami ang handa namin kaya namigay din kami sa ibang section, tumikim din kami ng handa nila. Excited na ako para sa break namin.

Bitbit ang natanggap kong gift, dumiretso ako sa room nina kuya Anselm. Sumilip ako sa kanila nang matapos kami. I waited for them to finish. Kalahating oras din akong naghintay.

"Ikaw si Catherine 'di ba?" Tumingin ako sa pinanggalingan ng boses. Ito iyong Andrea.

"Oo, bakit?" Matalim ang tingin niya.

"Bakit ka ba lapit nang lapit sa boyfriend ko? Ahas ka ba? Inaahas mo ba ang akin?" She asked scornfully.

Napapanganga naman ako sa pagkabigla sa words na ginamit niya.

Kahinaan ko ang komprontasyon. Ayoko ng away lalo pa sa isang public place. It just makes me so nervous. Friendly naman ako. I have more friends than enemies.

Hindi ako sumagot sa babae kaya mas lalo yatang nairita ito sa akin. Hinablot niya ang braso ko. "Lumayo - layo ka kay Gio! Tatamaan ka sa akin. Masyado kang ambisyosa, hindi ka naman maganda."

Kinagat ko ang labi ko. I was trying to free myself from her grasp, but she didn't let go of me. Mas lalo pang humigpit ang kapit nito.

"Bitiwan mo ako, nakakasakit ka na." Pinilit kong huminahon.

Fragments ✔ (Haciendero #2)Where stories live. Discover now