Ikalabimpitong Kabanata

22.9K 719 248
                                    

Kabanata 17

Move On

Lunch. Sumilip akong muli sa room ni Gio. He was there with his friends. Maliban kay kuya, baka kasama niya si Chelsea para kumain.

Matapos ang pag-uusap namin noong nakaraan, nakaramdam ako ng hiyang kumatok sa pinto ng kanilang classroom para abalahin siya.

Naghintay ako kung kailan siya lalabas ng room, saka lang ako gagawa ng hakbang upang ibigay ang lunch na dala ko.

Napaayos ako ng tayo ng makita ko ang bulto ni Gio papalapit sa aking tayo, may kasama siyang babae. Agad na nag-init ang pisngi ko ng masulyapan ko ang pagkakahawak nito sa kanya. Nakapulupot ang babae sa braso ni Gio. He seems okay with it.

"Gio..." I called his name.

Hindi niya ako pinansin. Dire - diretso siyang nilampasan ako. Ilang ulit ng hindi niya ako pinapansin. Tiningnan ang hawak kong lunch box, hindi ko alam ang gagawin ko roon. Hindi ko rin naman magawang makain ng maayos sa isiping ni-reject iyon ni Gio. Nangingilid na naman ang luha sa aking mata.

Muli kong nilingon ang direksyong tinahak ng dalawa. I was biting my lip real hard.

Pinahid ko ang aking luha, naglakad ako pabalik ng room. Sakto namang nadaanan ko ang kumpol ng mga lalaki. Tumigil ako sa harap nila.

"Okay lang bang ibigay ko sa inyo itong lunch? Don't worry, malinis iyan. Hindi lang tinanggap noong dapat pagbibigyan ko." Huminga ako ng malalim.

Inabot ko sa isa ang dala kong lunchbox. Madalas ko na lang itong ibigay sa ibang tao.

Nahihiya akong tingnan ang mga ito. "Sure, salamat sa libreng lunch."

Tumango lang ako at nagpaalam. Hinanap ko si Chelsea, mabuti na lang hindi pa ito nakakaalis sa room.

"Catherine, sabay na tayo---" Natigilan siya. "Anong nangyari? Bakit ganyan ang mukha mo?" Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Umiyak naman ako sa kanyang balikat. "Si Gio na naman ba?"

Hindi ko na kailangang sumagot. My silence gave the answer. Wala namang ibang tao akong gusto, si Gio lang.

"Hindi niya tinanggap iyong lunch na niluto ko para sa kanya." sinabi ko kay Chelsea.

"Bakit mo pa kasi ipinagluluto ang gunggong na iyon?" inis nitong tanong.

Lumabi naman ako. Gustong - gusto ko si Gio. "S'yempre..." Napakamot ako sa ulo. Iniupo naman niya ako sa malapit na upuan. Pinahid ko ang aking mukha.

"Here's the thing I want you to do, Catherine. Focus on other people. Kung ayaw niya sa'yo, edi wag." She sighed. "Ang dami pa namang iba d'yan, hindi mo lang nakikita kasi sa kanya nakatingin ang mga mata mo."

Pinisil niya ang aking pisngi. "Hindi siya kawalan." Kinagat ko ang labi ko.

Nabaling ang atensyon namin ng mayroong kumatok sa pinto ng room. Pareho kaming napatingin ni Chelsea sa labas.

"Hi, ito po ba iyong room ni Catherine?" Hindi gaanong katangkarang lalaki ang bumungad sa pinto.

Mayroon siyang bitbit na maliit na paper bag. I wiped my wet cheeks. Tumayo ako para puntahan ang lalaki sa pinto. Nakasunod naman sa akin si Chelsea.

"Dito po, ako po iyon." sagot ko, lumakad ako patungo sa pinto.

He smiled at me. "Pinapabigay ng kaklase ko, um, nabigyan mo raw siya ng lunch kahapon." Napatulala naman ako sa dala niyang paper bag. Ilang beses akong napakurap.

Fragments ✔ (Haciendero #2)Where stories live. Discover now