Ikaapatnapu't Dalawang Kabanata

25.8K 652 203
                                    

Kabanata 42

Maybes

The ambiance of the whole place screams calmness. Hues were matching to remind me of peace. Tanging puso ko lang ang hindi kalmado.

Sumimsim ako ng milktea sakaling pawiin nito ang kaba kong nararamdaman. Nakatingin lang sa akin ang babae, inaarok ang buong pagkatao ko.

"What do you need from me?" Nagsalita ito.

From what I know, her name is Merope Andrea Laurio. Isa siyang nurse. Maaaring doon niya nakilala si Gio.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Hindi na ako nagpaliguy - ligoy pa. "P'wede ko bang hiramin si Gio pansamantala?" Mas lalong tumindi ang pagtibok ng aking puso.

Seryoso ang kanyang mukhang tumitig sa akin. Umismid ang babae.

"Do you hear how ridiculous your request sound?" tanong niyang muli.

It was making me look like a pathetic ex-girlfriend seeking for attention. "I just needed closure to move forward. Ang dami ko pa ring tanong sa isipan."

"He broke up with you as you said. Ano pa bang hindi malinaw doon? Masakit, oo. That's how life is."

"Hindi ko siya aagawin sa'yo. Gusto ko lang, maalala niya ang lahat ng pangyayari. I just want answers."

I won't break her heart for the sake of mine to be healed. I won't settle to be a mistress if that's what she thinks.

Gusto kong ipaalala sa kanya ang nakaraan hanggang makuha ko ang sagot sa basta - basta niyang pang-iiwan sa akin sa raw ng aming kasal.

Wala akong karapatang humingi ng ganitong pabor sa kanya, kinapalan ko na ang aking mukha. Hindi ako matahimik.

I'm out of my mind. Again.

"I don't owe you anything, Catherine. Paano kung hindi ako pumayag? Mas lalo niyong gigipitin ang tatay ko hanggang sa mabulok siya sa kulungan?" Her laugh was cold.

Umiling ako. "Hindi ko iyon gagawin. I'm not that cruel as you think I am. Hindi ko iyon ipapang-blackmail sa'yo." Una sa lahat, tutol naman talaga sa pagpapakulong ng mga kapatid ko sa kanyang ama.

Nilunok ko ang aking laway. "P-please..." Lumuhod ako sa kanyang harapan.

Her eyes widened. "Ano bang ginagawa mo?!" Tinulungan niya akong tumayo.

I bit my lip hard. My eyes welled up with tears. Huminga ako nang malalim.

What I did sank in my brain, I was an embarrassment.

Sa pagkakataong ito, ako ang mali.

"I'm so sorry, I should've not asked you that. It was so desperate of me. I'm really sorry." Binalot ako ng hiya sa pagiging desperada ko.

I just find it unfair that even answers the universe couldn't give me that. Pati ba naman sagot ipagkakait sa akin?

Kinuha ko ang purse ko at naghanda sa pag-alis. Huminga ako nang malalim. Tinapik ko ang kanyang balikat. "Pasensya na talaga. I can't stay anymore. Hiyang - hiya na ako sa'yo."

Mabilis akong naglakad palabas ng cafe. The heavenly ambience became gloomy as I walked out of the door.

Hindi ko inaasahang magagawa kong lumuhod sa isang tao upang pagbigyan ako sa aking kagustuhan. It was such a desperate move.

I really just wanted to end the questions left hanging in my mind for quite awhile and start anew. Hangga't hindi ko nakukuha ang sagot. I kept coming back to the dark path.

Fragments ✔ (Haciendero #2)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu