Ikadalawampu't Tatlong Kabanata

21.4K 731 196
                                    

Kabanata 23

Girlfriend

Hindi lang sa halik nagtatapos ang lahat, kumalat din ang balitang mayroong bagong nililigawan si Gio sa buong campus. It got a massive attention from my schoolmates. Suportadong - suportado nila ang dalawa.

I have been confessing my love for him since the beginning of time, but they never showed support. Nakakakilig daw kasi ang mga ito, parehong gwapo at maganda. Paano naman akong hindi kagandahan, saan ako lulugar?

Hanggang ngayon, pinanghahawakan ko pa rin ang sinabi niyang hindi niya gusto ang babae. Pero baka naaakit na si Gio sa panunukso sa kanilang dalawa. Why does it always happen? Nag-ingat pa ako ng sarili ko, sa selos lang din naman ako mamamatay.

Hindi ko pa nakakausap si Gio para kumpirmahin ang totoong namamagitan sa kanilang dalawa. Ni wala nga akong karaparang magtanong sa kanya dahil wala namang kami.

For the sake of my peace, I want to ask him. Bago pa man baguhin ang bio ko sa facebook, I want to change it to '0fFiCiAL sAd gHorL uWu'. Ibabato ko rin kay Gio ang mga sinabi niya.

"Bunot na iyong mga damo, ah. Galit na galit?" Puna ni Chelsea.

Tiningnan ko naman ang palibot ko. Tama nga si Chelsea, halos gutay na ang mga damo sa harapan at gilid ko. Nakapangalumbaba ako habang nagbubunot ng damo. Ngumuso ako sa kanya.

Tumabi siya sa aking upo. Pagkatapos ng klase, dumiretso ako sa malaking oval upang magpahangin. Katatapos lang ng exam namin kanina, baka iyong sama ng loob ko ang nanaig at mag-translate sa grades ko.

Pasang - awa na naman ako kapag ganoon. Ang hirap mag-exam kapag heartbroken.

"Kumusta ang exam mo?" Chelsea asked me. "I saw you, ang bilis mong ipinasa iyong papel."

Sumandal ako sa kanya. "Sinagutan ko iyong exam, hindi ko nga lang alam kung tama," sagot ko.

Pinaspasan ko iyong exam kanina. Sana lang, tumama naman ang kalahati. Doon ko naibuhos ang ilang araw na gigil ko.

Nagtingin - tingin ako sa mga dumadaan, kahit may parte sa akin ang nagtatampo kay Gio. Gusto ko pa rin siyang masilayan sa araw - araw. Pasimple lang muna. Mas matimbang pa rin ang parte sa aking nami-miss siya.

May gayuma talaga ang buong pagkatao ni Gio.

"Ipag-pray na lang natin na pumasa tayo, malapit na ang moving up." She kissed my cheek. Magtatapos na naman ang isang school year ng hindi siya napapasaakin. Ilang buwan na lang, tapos na ang junior high journey naming magkaklase. "Anong stand mo roon sa essay sa likod?"

Humarap ako kay Chelsea sa pagkabigla. My eyes widened. "Essay? May essay sa likod? Anong subject?" sunod - sunod kong pagtatanong.

Pinilit kong alalahanin, wala naman akong sinagutang essay. Nakaawang ang labi ng kaibigan ko.

"You didn't answer the essay?" Mahinahon ang boses ni Chelsea. "Sa Science, kung in-favor daw ba tayo sa genetically modified organism na human ang isang specimen."

Nasapo ko ang aking noo, I haven't seen that part of the test. Hindi ko natingnan ang likod ng testpaper. Mayroon pa palang essay. Wala akong sagot doon, bawas na agad ang puntos ko.

Nakakainis naman. I shook my head.

"Baka bumagsak ako, Chelsea. I didn't answer the essay part. Hindi ko naman alam na mayroon pa palang essay." Huminga ako ng malalim.

Ano ba iyan? Essay na nga lang na stand lang ang kailangan hindi ko pa nakita. Hays, bobo talaga ako. I was biting my nails in annoyance.

"'Wag mo munang problemahin, feel ko naman makakabawi ka sa ibang questions. Cheer up, Catherine." She tried to make me feel better for myself.

Fragments ✔ (Haciendero #2)Where stories live. Discover now