Ikaapatnapu't Anim na Kabanata

27.4K 903 279
                                    

Kabanata 46

What could have been?

Pagod na akong masaktan. Pagod na akong umiyak. My life turned upside down the past two years, mostly on the down part. I just want the pain and burdens to end. Ang dami ko ng talo sa buhay, mas marami iyon kaysa sa naipanalo ko.

Ubos na ubos na ako. What else life can take away from me?

I was so guilty of Chelsea's death. Maybe, it could've been avoided if it weren't for my aggressive confrontation. Hindi naman nila ako sinisisi sa pagkawala niya, pero sinisisi ko ang sarili ko.

We've been together since we were kids. Kaming dalawa ang magkasangga simula pa noon. In one blow, I lost her. I couldn't even save her.

"Sabi ko po daddy, babalik ako rito nang maayos na ang lagay ko. But every time I come back, mas lumalala pa sa dati. I couldn't keep my promise..." My face was covered with tears.

Nanlalabo na ang aking paningin sa sandamakmak na luha. "Daddy, I need you... ang daya mo, bakit mo ako agad iniwan? Hindi ko naman asset ang pagiging matapang. Mabuti lang ako pero hindi ako matapang..."

I curled myself into a ball. Hindi ko alintana ang malamig na singaw ng tiles na aking hinihigaan. Niyakap ko ang aking sarili hanggang sa tuluyan akong makatulog sa ganoong posisyon.

My heart had been scarred once again.

Paggising ako, mataas na ang sikat ng araw na tumatagos sa museleo. Nag-inat ako ng braso.

Hindi ko man lang ininda ang lamig ng nakaraang gabi. Medyo masakit ang aking ulo. Bumangon ako at nagsindi ng kandila sa aking mga magulang at kay baby Musika. Nilinis ko ang kanilang puntod bago ako nagpaalam.

***

It was Kuya Anselm who arranged the wake for Chelsea. Tinawagan niya ang pamilya nito sa Amerika. Knowing how old-fashioned they were, they didn't accept the cause of her death and didn't want to do anything with the burial and wake.

Mas pinili nilang hayaan na lang ang kaibigan ko sa mga kamay namin.

Chelsea ruined so many lives including mine. Hindi ko pa rin magawang magalit ng lubos. Ang dami kong hindi nalalaman tungkol sa pagkatao niya. I never knew she liked me more than a friend. I always thought, it was a gesture of friendship.

Tatanggapin ko naman kung anong preference niya sa buhay. Minahal ko siya bilang kaibigan. Hanggang doon lang iyon. I couldn't give her the love she wanted. Hindi naman p'wedeng ipilit sa isang tao ang kanyang nararamdaman, mas lalong hindi kailangan pang umabot sa kanyang ginawang kasalanan.

"Stop blaming her for Chelsea's death! She's still recovering from the traumas she had to overcome!" Rinig ko ang sigaw ni Kuya Santino. "I know you are hurting but you can't treat Catherine like that!"

Marahan akong humakbang papasok ng mansyon at tumungo sa nagsisigawang mga kapatid ko.

"I'm not blaming her, Kuya! Stop insinuating that! Hinding - hindi ko siya sisisihin sa ganoong bagay!"

"You can't even look at Catherine! Hindi mo siya dinalaw sa hospital! Iyong girlfriend mo ang may kasalanan kung bakit nasira ang buhay ng kapatid natin!" Their voices were all over the place.

If Sancho were here, he would be so mad. Bawal mag-away sa kanyang teritoryo, mas lalo na kaming magkakapatid. Laging mahinahon dapat ang usapan. Kung nabubuhay pa si daddy, hindi niya kami pababayaang sumapit sa gusot.

Naiintindihan ko naman kung sakaling may katiting na emosyong sinisisi ako ng kapatid ko sa pagkawala ni Chelsea. I felt the same way about myself.

Alam ko namang wala akong kasalanan pero andoon ako ng mga panahong iyon at hindi ko siya nagawang pigilan. I carried that guilt. Hindi ko alam kung paano iyon maaalis sa aking sistema.

Fragments ✔ (Haciendero #2)Where stories live. Discover now