Ikalabing-siyam na Kabanata

23.3K 663 40
                                    

Kabanata 19

Farewell

Nagising ako ng sobrang aga. I had cup of hot chocolate in the kitchen counter. Magsisimula na akong magluto maya - maya. I marinated chicken last night to have more flavor. Dini-defrost ko lang ang manok.

"What are you doing here early in the morning, anak?" Daddy's voice filled the kitchen. Nakasandal siya sa pinto kusina.

Nanlaki naman ang mata ko, muntik ko ng mabitawan ang hawak na tasa. I wasn't expecting my father to be standing there.

"Daddy!" I exclaimed. Tumakbo ako papalapit upang yakapin siya. "How's your business trip? I missed you!"

"I missed you more, Catherine. Kumusta naman ang buhay ng kayo lang tatlo ng kuya mo?" It's been one week.

Kasama rin ni daddy si mommy. S'yempre. Lagi namang magkasama ang dalawa. Daddy was so generous to give us allowances. Halos pang-whole month na nga iyon. Sobra - sobra pa.

Both of my kuya are the ones doing the chores for the whole week. Tumutulong din naman ako kahit hindi nila sabihin. Marunong naman ako sa mga gawaing bahay.

"Ayos naman po, daddy. Sina kuya po ang nag-aasikaso sa akin." Nag-thumbs up pa ako sa kanya. Ginulo naman nito ang buhok ko.

"Good, they are being responsible with you. Lagi ko namang sinasabi, kung sakaling mawala kami ng mommy mo, responsibilidad ka ng mga kuya mo." seryoso nitong saad.

Ngumuso ako. "Daddy naman, 'wag ka naman pong magsalita ng ganyan. Matagal pa po iyon, kapag old and gray na kayo ni mommy." Yumakap ako sa kanya. Daddy caressed my back softly.

I hate the idea that they will leave us one day. Pero ganoon naman talaga ang buhay. Tatanggapin ko lang iyon kung kukuhanin sila sa amin ng natural cause, iyong katandaan lang.

"I'm just saying, anak. By the way, your pasalubong is on the sala. Unahan mo na ang mga kuya mo, pinadala ko na rin iyong kay Crispin at Santino. Mommy brought you dresses and I brought extra chocolates para sa nililigawan mo." Lumaki naman ang ngisi ko. Ang supportive talaga ng daddy ko. I am so lucky to have parents like them. "And tell him, 'wag na siyang magalit. Hindi naman ipipilit ang arrange marriage."

"Thank you, daddy! Kaya ikaw ang favorite ko, love you!" I hugged him once again.

Tumawa lang ito sa naging reaction ko. "Basta, you're happy. Daddy is happy, too." He smiled. "Mamaya niyo na guluhin ang mommy mo, she was resting in our room. Napagod sa biyahe."

Tumango naman ako kay daddy. "Hindi ka po ba pagod, daddy? Mag-rest ka na rin po."

"I'm well, sweetheart. I gained my energy back seeing my not-so-baby baby." Pinisil ni daddy ang pisngi ko. Sinamahan niya ako patungong sala. Daddy has a lot of boxes with our names.

Sakto naman ang paglabas ni kuya Anselm, binubuksan ko na ang box ko. "Dad, you're back. Kumusta po ang biyahe?" They hugged each other. I was busy with my pasalubong.

"Nakaraos naman, anak. Mamaya niyo na i-greet ang mommy niyo, ha. She's really tired." muling paalala ni daddy. "Open niyo na ang mga pasalubong niyo."

I did. There were a lot. Ang daming tsokolate and clothes. I would share the chocolates with my friends, saka iyong mga bata ng Alibijaban. Mayroon din akong ibibigay para kay Gio.

Binuksan na rin ni kuya Anselm ang kanyang kahon.

"Thanks, dad! Another addition to my collection." Kuya Anselm got a new electric guitar.

Fragments ✔ (Haciendero #2)Where stories live. Discover now