Ikatatlumpo't Dalawang Kabanata

26.6K 600 138
                                    

Kabanata 32

Hinog na nga

"Good morning," someone was whispering. "Good morning, my sleepyhead."

Kumibot lang ako, at mas lalong niyakap ang bagay na nasa harapan ko. Sakto namang malambot ito at masarap yakapin.

Nakarinig ako ng pagtawa. Mayroong malambot na bagay ang lumapat sa aking pisngi, paulit - ulit iyong dumapo.

"Come on, Catherine. Are you tired, love? Need mo pa ng sleep?"

My mind was still disoriented and it continued where it was before. Biglang nawala ang boses. Wala ng gumambala sa natutulog kong kaluluwa.

Hindi ko namalayan kung ilang oras pa akong natulog pa, sigurado lang akong mataas na ang sikat ng araw ng tuluyan akong magising. Bumangon ako at nagtungo sa banyo upang maghilamos at magsepilyo.

I was still groggy.

Sunod kong ginawa ay hinanap si Gio sa penthouse. Natagpuan ko ito sa kusina namin, may suot na apron at walang saplot na pang-itaas. Agad kong naamoy ang halimuyak ng pagkain sa kumakalam kong sikmura.

Ngumisi si Gio. "Gising na pala ang antukin kong fiancee, brunch na tayo." Lumapit siya sa akin. Mabilis ko namang sinalubong ang pagitan namin at niyakap siya ng mahigpit.

"Good morning, boyfriend ko na fiance ko na sabi ng mama mo tita na lang daw ang tawag ko sa'yo... ay sa kanya." I greeted him.

Humalakhak ako ng kumunot ang noo ni Gio.

Hinalikan ko siya sa labi ng paulit - ulit. His lips taste the sweetest as my hot chocolate in the morning. Inalalayan niya akong maupo sa katapat niyang upuan.

"What time is it? Wala ka bang gagawin ngayon?" I asked.

Medyo nanibago akong wala siyang masyadong schedule.

Kumuha ako ng pancake, inilagay ko iyon sa plate niya bago ako kumuha ng para sa akin. Nagsalin din ako ng fresh melon juice sa baso. I put syrup on my pancake. Nakailang subo ako ng bigla na lang akong mapatayo. Bigla akong may naalala.

Gio came to me in an instant, his expression was worried. "What's wrong?"

Nanlaki ang mata ko. "You have a recording today?!"

Tumingin siya sa akin ng ilang segundo.

"Uh-huh," Tumaas ang kilay niya.

"Anong oras na? Gio, you're late!" I was freaking out with the time.

He just looked at me with amused expression on his face. My mouth gaped. Sinamaan ko siya ng tingin. Mukhang nakaligo na naman siya, hindi pa nga lang bihis. Argh, I messed up. Imbes na magising ng maagap, natulog ako ng mahimbing.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. "I'm sorry, you should change clothes na. Hindi agad ako nagising. Dapat umuna ka na, Gio." Ngumuso ako.

Hinwakan niya ang aking balikat. He lifted my face. "It's fine, love. I cancelled the schedule today. It's going to be next week. We can have this day for us." Hinapit niya ang beywang ko. "Now, finish your food. I thought, napaso ka."

Mas lalo akong na-guilty. "Hindi mo na sana kinancel. You should just go without me."

Umiling naman si Gio. "No, I want you there as I perform. Sabi mo, gusto mong manood? I need my girlfriend's support." He said, smiling at me.

Iyong ngiti pa lang niya, pampalubag loob na.

Humaba ang nguso ko. "Bakit hindi mo ako ginising? Niyugyog mo sana ako!" Ako pa talaga itong nagreklamo.

Fragments ✔ (Haciendero #2)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora