Ikadalawampu't Limang Kabanata

26.2K 702 108
                                    

Kabanata 25

A dream that came true

I stood tall in our living room. Suot ko na ang ball gown kong napili mula sa tatlong gowns na pinadala sa bahay. It was in black color. I really looked expensive with dark colors, aside sa emerald green na paborito ko rin. Agree din si mommy na iyon ang kulay na bagay sa aking skin tone.

The gown was hugging my body. Pakiramdam ko dalagang - dalaga akong tingnan sa gown kong suot na hapit sa katawan ko. Mommy was taking pictures of me and kuya Anselm.

Mauuna si kuya sa venue, susunduin pa niya si Chelsea sa kanila.

After some talk with daddy and pictures with the family, pinahatid na niya si kuya. He has a driver with him. Baka raw hindi payagan ang best friend ko na si kuya ang magda-drive ng sasakyan.

Si Gio ang susundo sa akin sa Alibijaban. Oo naman, pumayag ako. Sino pa bang aayaw? Si Gio na itong nag-aya sa akin sa grad ball. Isa pa, na-miss ko talaga siya at hindi ko rin naman matitiis ito ng matagal.

'Di baleng hindi pabebe, basta may bebe.

Kinikilig pa rin ako habang inaalala ang proposal niya bilang date ko. I was in total shock. Parang tumigil ang pag-inog ng mundo ko ng mga segundong iyon. Nakatingin lang ako sa kanya. He was looking at me as well. Ang gwapo niya kung tumingin.

Ni hindi ko alam kung anong nangyari sa paligid. Siya lang ang may hawak sa atensyon ko. After minutes of surprised pikachu face, I was able to answer yes.

Unti - unting lumapit sa akin si Gio. It was like a one-on-one show, hinarana niya ako ng malapitan. Pulam - pula lang ang aking pisngi, nakaawang pa ang aking labi.

Muling naglagay ng kung anong kolorete sa mukha ko ang hired na make up artist ni mommy. Mommy was really excited for this event. Hinayaan ko na lang siyang magplano.

Daddy was just staring with that serious look on his face. Nag-make face pa ako, pero mukhang hindi niya iyon napansin at tuluyang nahulog sa malalim na pag-iisip. I wasn't sure what he was thinking. Hinayaan ko naman siya.

Pasimple akong kumain ng snacks kahit pinagbawalan ako noong make up artist, medyo kumakalat sa labi ko. Daddy was nowhere to be found.

Tiningnan ko ang wall clock namin. Hindi pa naman huli, Gio would be on our doorstep any minute. Nang bumalik si daddy, mayroon itong dalang bouquet of flowers.

He handed the bouquet to me. Iba't ibang bulaklak iyon at ang bango. Napangiti ako ng malaki.

Yumakap ako kay daddy upang magpasalamat. He really knew what could make me smile.

"Sweet naman ng daddy ko, thank you po!"

I felt him kissed my forehead. "Of course, sweetheart. For my one and only princess." He sighed. "You would find love in a man, but no one could really love you like I do. It scares me, Catherine. You're growing too fast."

Tiningala ko naman si daddy. "You'll always be the first man I love, daddy. No one could ever beat you. Hindi po iyon magbabago." Muli akong yumakap sa kanya.

I savored the moment for quite long minutes, then, the speakers blasted out loud a love song.

Humiwalay sa akin sa pagkakayakap si Sancho, inilahad niya ang kanyang kamay. He smiled. "Can I have this chance to dance with my daughter? Bahala nang mainggit si Gio. Basta si daddy ang first dance ni Catherine."

Natawa naman ako sa turan ng ama ko. Mabilis akong tumango at tinanggap ang kanyang kamay na nakalahad sa akin ng hindi ibinababa ang bouquet na bigay ni daddy.

Fragments ✔ (Haciendero #2)Where stories live. Discover now