Ikalawang Kabanata

35.8K 888 266
                                    

Kabanata 2

Lunch

Giovanne Joachim.

Unang tingin ko pa lang sa lalaki, nahulog na ang lahat ng pwedeng mahulog. Hindi lang ang puso ko, pati yata ang panty ko hindi kumapit ng mahigpit. Ang pogi naman talaga.

Bakit hindi ko ito nakita sa piging ng tumakbo si Benjamin Ponce? Sabagay, hindi masyadong nasiyahan ang aking tiyan sa pagtitipon.

Akala ko, pang-isang linggo lang ang crush ko sa kanya. Hindi, mas lalo siyang guma-gwapo sa paningin ko sa paglipas ng bawat araw.

Maaga akong gumising, maganda ang mood ko kaya hindi ako late nagising. Tinulungan ko si ate Melba na magluto ng agahan. Siya ang cook sa bahay pero hindi siya stay-in.

I know how to cook. Lahat kami tinuruan ng mga gawaing bahay kahit ang mga kuya ko. Wala naman kasing stay-in maids sa bahay. Madalas lang akong atake-hin ng katamaran. I'm the princess in the house, my brothers almost do everything for me. Pero mas kamukha ko si Ursula.

Tumaas ang kilay ni kuya Santino ng makita ako nito sa kusina. It was just five-thirty in the morning.

"Akala ko mali-late ka na naman," komento nito. I just pouted.

Ginulo niya ang aking buhok. Hindi naman ako sumagot. Nag-usap silang dalawa ni ate Melba habang binabantayan ko ang sinaing sa rice cooker. Nangalumbaba ako sa counter.

Ang daming may crush din kay Gio panigurado. Kuya Anselm calls him Gio. Iyon na rin ang itatawag ko sa kanya, but I'll be more than his friend. Gusto ko maging girlfriend niya at kapag nakatapos na kaming dalawa, magtatayo na kami ng pamilya.

Everything is already planned in my head. Hindi pa lang alam ni Gio.

"Anong ngini-ngiti mo d'yan? Para kang nasisiraan ng bait."

Mas lalo akong ngumisi. "Malapit na," bulong ko pabalik.

Nang bumaling ang tingin ko sa pisara, katakot - takot na formula ang bumungad sa akin. Wala na naman akong naintindihan sa Math. Ito kasing Math hinahanap pa rin si X, alam namang mayroon ng bago.

Inilabas ko sa bag ang isang lunch box. I made a chicken salad sandwich and wrapped it in a tissue for Gio. Simula ngayon, ako mismo ang gagawa ng pagkain niya sa lunch para naman makita niyang wife material ako. Mas inaagahan ko ang gising ko.

"That looks yummy, pahingi naman!" Umiling ako kay Chelsea.

"It's not for you," Para kay Gio ang lunch na ito.

Sumimangot naman ito. "Ang damot, para isang kagat lang."

"Ibibili na lang kita, tara na!" Kinuha ko ang wallet ko, pero naglagay muna ako ng lip tint. Ayoko namang magmukha akong hagas habang ibinibigay kay Gio ang lunch na ginawa ko para sa kanya.

Sumulat ako sa pink sticky paper ng 'Happy lunch, eat well <3 <3 <3'. Nakatingin lang sa akin ang best friend ko the whole time.

Lumabas ako ng classroom kasama si Chelsea. Nag-abang kami sa kanilang pinto. Wala ng ibang tao, solo si Gio sa loob ng room.

"Gio!" I called him. Lumingon naman ito sa gawi ko. Kumaway ako sa kanya.

"Yes?" Tumayo siya dala ang gitara at lumapit sa pinto.

Inabot ko ng dalawang kamay ang hawak kong lunch box. Tinitigan niya ang hawak ko sa aking kamay. Tinanggap niya ang lunch box.

I smiled. "Happy lunch!"

He nodded. "Same to you." Hinila ko paalis si Chelsea. I made lunch for him, but I didn't make lunch for myself. Sana magustuhan niya ang ginawa ko. Kaya sa canteen kami kakain ni Chelsea.

Fragments ✔ (Haciendero #2)Where stories live. Discover now