Ikaapatnapu't Apat na Kabanata

25.1K 696 127
                                    

Kabanata 44

Not mine

Pinuntahan namin ang halos lahat ng naging parte ng buhay namin sa siyudad. None of them made Gio remember. It's always blurry for him. Hindi maliwanag. Walang kasiguruhan.

We decided to go back to where it all started.

Muli kaming bumalik ng San Andres, Quezon upang subukang alalahanin ang nakaraan. Maybe, going back to the province would help him remember his past. I hope so.

Labag man sa kalooban niya, pinili niyang manatili sa mansyon ng mga Ponce sa Tagbakan. Hindi siya p'wedeng manatili sa bahay. Respeto na lang kay Merope at hindi rin papayag ang mga kapatid ko.

Kasama kong umuwi si Kuya Crispin at ang nurse na hands-on sa kanya. Mas gusto niyang tuluyang magpagaling sa may sariwang hangin. Nasa siyudad naman ang tatlo kong kapatid.

"Are you comfortable here?"

Tumango naman si Kuya Crispin. "Kuya, please, be nice to the people who are helping us. 'Wag mo naman masyadong sinusungitan ang nurse mo," paalala ko sa kanya.

Last time, pinagalitan niya ang kanyang nurse. Nasigawan niya ang babae. "I know it's hard for you to adjust to the situation right now, but it's not right to project your frustrations and trauma to someone helping you."

I don't like how he's being changed by the circumstance. "Sus, baka naman kasi crush mo lang. Ang ganda ni nurse." Pinisil ko ang kanyang pisngi. Inirapan niya lang ako.

"Say sorry to her. Nako, Crispin Sylvester, hindi ka ganyang pinalaki ng magulang natin." Piningot ko ang kanyang tainga.

"Of course not, she looks basic."

"Wow, Kuya! Nahiya naman ako. In denial. Sabi ng iba, defense mechanism lang iyan. Sige na, aalis muna ako. Behave ikaw." Hinalikan ko siya sa pisngi.

"Take care, Catherine." Niyakap niya ako. "If only I'm not in this fucking wheelchair, nasuntok ko na si Gio para sa'yo."

"No need, Kuya. We don't resort to violence. May pinagdaraanan din iyong tao." I told him. Muli kong hinalikan ang kanyang noo.

Nakasalubong ko pa sa paglabas ang nurse ni Kuya Crispin. She has that bright smile. Sinuklian ko naman ang kanyang ngiti.

"Ikaw na muna ang bahala kay Kuya. Baka gabihin na akong umuwi."

"Ingat, Ms. Catherine." Kumaway siya sa akin.

Paglabas ko ng bahay, halos mapatalon naman ako nang namataan ko si Gio kasama ang isang matambok na bata. Ang usapan naming dalawa, sa bayan na kami magkikita.

"Tita Catherine!" Trojan was grinning. May hawak siyang sunflower. "Para po sa'yo, bigay po iyan ni Trojan. Kinuha ko sa garden ni lola ganda."

"Aw, thank you, big boy!" Pumantay ako sa kanya upang yumakap.

Umayos naman ng tayo ang nakahalukipkip na si Gio. "He wanted to come with me. Hindi na siya isinama ni Cadence at Sai sa check up," paliwanag ni Gio.

"Okay lang po ba ako sumama sa inyo, Tita Catherine?" Trojan asked.

I smiled even wider. "Masaya akong kasama ka namin, Trojan. I'm happy to see you." Inilagay niya ang sunflower sa ibabaw ng tainga ko.

"Bagay po sa inyo ang flower,"

"May pinagmanahan. Thank you, big boy." Tumayo naman ako at bumaling kay Gio. "Let's go?"

Si Trojan ang namamagitan sa aming dalawa na parehong hawak namin ang kamay. He had been eyeing the waves with such awe. He was giggling whenever it touches the sand.

Fragments ✔ (Haciendero #2)Where stories live. Discover now