Ikadalawampu't Apat na Kabanata

23.4K 796 162
                                    

Kabanata 24

Graduation Ball

Pumutok agad ang balita tungkol sa graduation ball. Ito ang kapalit sa dapat ay prom namin noong Valentine's day. The grad ball is exclusive for graduating senior high students and grade ten.

Kuya and I are going to the grad ball. Mas excited pa sina mommy at daddy para sa aming dalawa ni kuya Anselm. Hindi pa siguradong magmo-moving up pero mayroon na akong gown na susuotin para sa grad ball.

My mother loves to dress me up. She really has a good fashion sense. Pinangarap din naman niyang maging fashion designer. She was also a former beauty queen. Hindi nga lang lumaban sa international stage pero title holder siya ng hometown niya.

After finishing her bachelor's degree, nabuntis agad si Amanda ni daddy kay kuya Crispin. Hindi iyon madaling natanggap ng lolohin ko sa side ni mommy. Daddy was the one who supported her and they got married and stayed together until now. Hanga ako sa pagmamahal nilang dalawa sa isa't isa.

"Daddy, si kuya Anselm ayaw akong i-date sa graduation ball." Sumbong ko kay daddy. "Wala akong date." Lumabi ako.

Kasunod ko si kuya Anselm na bumaba. My father was already sitting on his throne. Hawak nito ang phone at mukhang nakikipag-video call sa mga kuya ko.

Yumakap ako sa likuran ni daddy at nag-hi kay kuya Santino pati kay kuya Crispin. Nahagip pa ng mga mata ko si ate Lope sa gilid. It was our routine during dinner. Para naman daw alam ng mga magulang ko na kumakain ng maayos ang mga kapatid ko sa siyudad.

"I miss you, kuya!" I sent flying kisses over the screen.

"We missed you, too, Catherine." Kuya Crispin caught all my kisses. Umakto pa siyang nilalagay niya iyon sa heart. Napangiti naman ako.

Tinapos ni daddy ang tawag sa mga kapatid ko bago niya kami hinarap ni kuya Anselm.

"What's going on?" Tumaas ang kanyang kilay.

"Si kuya, daddy! Wala akong date sa grad ball!" I pouted.

"Anselm," Daddy called his name.

He sighed. "Dad, I know my responsibility as Catherine's big brother. But I already asked someone else. She could be my the one." Pabulong ang huling kataga. Nanlaki naman ang mata ko.

Is he seeing someone? Si Chelsea ba? Oh my gosh!

Mukhang magiging kapatid ko na talaga si Chelsea. Dapat sinabi niya agad sa akin. Hindi naman ako hahadlang sa mga plano niya.

Seryoso ang tingin ni daddy matapos iyong sabihin ni kuya. "Are you in love?" Daddy asked.

Namula naman ang kabuuan ng kapatid ko. Ngising - ngisi naman ako sa isang tabi habang nakapangalumbaba. Kuya didn't answer the question. Ang awkward kasi kung makatingin si daddy.

"Who's the girl?" tanong muli ni daddy ng mapagtantong hindi na sasagot si kuya sa unang tanong niya.

Kuya Anselm glanced at me. With that gaze, alam ko na.

"Yes!" sigaw ko. Kuya looked away. Ako naman ang tinitigan ni daddy.

"You know the girl, Catherine?" He asked me.

Tumayo naman ako at lumapit sa kanya. Hindi naman ako pinagbawalan ni kuya Anselm. Binulong ko kay daddy ang pangalan ng best friend ko. His eyes widened after hearing what I said.

Pulam - pula na si kuya. "Really?" Hindi makapaniwala si daddy. Tumango naman ako. He cleared his throat and teased my brother. "Good taste in woman, Anselmo. Best friend pala ng kapatid mo. Kaya pala laging nagpapagwapo tuwing bumibisita si Chelsea."

Fragments ✔ (Haciendero #2)Where stories live. Discover now