CHAPTER ONE (New Assignment)

8.5K 243 57
                                    

Every second brings a fresh beginning.
Every hour holds a new promise.
Every night our dreams can bring hope
Every day is what you choose to make it.

————

Riel

            This one was fucking heavy.

            I grunted when I tried to wrap the body on the floor. This tarpaulin should be heavy duty. I didn't want to make a mess when I am going to dispose this one. Killing people was easy. But the cleaning part? That was what I hated in this plan.

            "Shit."

            Inis kong binitiwan ang unti-unting naninigas na bangkay at pinabayaang nakalatag iyon sa tarpaulin. Rigor Mortis was finally setting in. Inis kong tiningnan ang kamay ko na punong-puno ng dugo. Napahinga ako ng malalim habang tinitingnan ang dalawang bangkay na naroon na kailangan na talagang mai-dispose. Kapag tuluyang nanigas ang mga ito, mas mabigat at mas mahirap nang linisin.

            Muli ay sinimulan kong ayusin ang pagkakabalot ng dalawang bangkay sa tarpaulin. Napatingin ako sa nakabukas na pinto at nakita ko doon na nakatayo si Ghost at tahimik lang na nakasandal sa mesa habang humihithit ng hawak niyang tobacco. Relaxed na relaxed ang hitsura habang ninanamnam ang bawat paghithit at pagbuga ng usok. Nakaharap siya sa silya at naroon ang isang katawan ng tao na nakatali at walang ulo. Ang ulo ng katawang iyon ay nakapatong sa mesa malapit sa kanya.

            Ulo ni Mayor Hanauer na pinutol niya gamit ang garotte.

            First time ito na nakita ko si Ghost na gumawa ng ganito. Nang makilala ko siya, alam ko na ang mga kaya niyang gawin. He was deadly. His words were powerful. His mercenaries would follow even if he just snap his fingers. He was the devil who could do anything and give punishments to those people who deserves it. Like these two dead men in front of me. They begged me not to do it. They begged me not to kill them. But I knew what they did and Ghost didn't want them to have a second chance. Because they didn't give a chance to those kids that they killed.

            I was once a police officer. A good and honest police investigator. My father, the man that took me in taught me everything to be a good cop. I followed his footsteps and I always wanted to be like him that was why I ended up being a policeman.

            But when I met Greg Laxamana, he opened my eyes to the truth that I didn't want to see. He let me saw the corrupt department that I was working with. The cover ups. The red tape. Mas madalas, ang mga katulad kong tapat sa serbisyo ang nagiging talunan. Napapag-iwanan. Kulelat. Ilang beses na ba ako dapat na ma-promote? Hindi ko na mabilang. Pero mas madalas ang mga baguhang kasabayan ko ang nauuna pa sa akin. Dahil lang sa may nahawakan akong kaso at may kakilalang matataas na opisyal na kayang baluktutin ang mali. Sa huli, ako pa ang mapapasama. Ako pa ang marereklamo. Ako pa ang masususpinde.

            Puwede naman akong humingi ng tulong sa nakagisnan kong tatay. My father was Police Major General Javier Silva. Kilalang-kilala ang pangalan niya sa lahat ng police department. Mataas ang ranggo. Pero ayaw ko na makilala ako ng mga kasamahan kong pulis na lap dog ng isang mataas na opisyal. Iyon din naman ang gusto ni Tatay. Gusto niyang umangat ang ranggo ko sa sarili kong sikap. At nagawa ko naman. Mula sa isang pagiging Patrolman, Police Captain na ako nang umalis ako sa serbisyo.

            Pero itinapon ko ang lahat ng iyon nang makilala ko si Ghost. Nang ipakita niya sa akin ang katotohanan na pilit kong ayaw tingnan. Elodie Valderama's case was the eye opener that made me chose to jump to the other side. What those assholes did to her was the last straw. Elodie and Martin killed her rapists. I killed Jorge and Mathias. Walang natira sa pamilya ng mga animal na iyon. Those people deserved to die.

PERFECT LIE (COMPLETE)Where stories live. Discover now