CHAPTER THIRTY-ONE (Rewire)

2.1K 203 26
                                    

Believe that someone you are worth saving.

-----------------------------------

Meara

            Ang weird ni Riel.

            Bakit parang asar siya kay Attorney Eli? Mukha namang mabait si Attorney at palabiro. I mean, alam niyang matindi itong kakaharapin ko laban kay Perry but he makes it lighter the way he was telling what to do and what to expect. Talagang ina-assure niya sa akin na wala akong dapat alalahanin at hindi na ako dapat na matakot pa kay Perry.

            Sabi niya, gagawin niya ang lahat para makasuhan ang asawa ko. Siya na daw ang bahala at hangga't maaari, gagawin niya ang lahat ng makakaya niya para hindi na ako mag-appear at makita pa ni Perry.

            Napakaraming proseso. Hindi ko rin halos maintindihan ang mga ipinapaliwanag ni Attorney. May criminal case. May mga civil case pang isasampa laban sa asawa ko. Ang sinasabi lang niya na kailangan akong mag-appear ay kapag nagkaroon na ng pre-trial. At doon ako kinakabahan. Wala pa man ay kumakabog na ang dibdib ko maisip ko lang na makakaharap ko na naman si Perry.

            Saka ko na iisipin ito kapag dumating na ang araw na iyon. Sa ngayon, kailangan kong magpalakas pa. Kailangan kong maging handa kung haharap ako kay Perry. Kailangan kong maging matapang.

            "Mom, Kuya Riel is not home yet?"

            Napalingon ako kay River na nagpipindot pa sa telepono niya at sinusubukang tawagan si Riel.

            Tumingin ako sa relo at pasado ala-singko na. Kaninang umaga pa umalis si Riel at hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik. Saan kaya nagpunta ang isang iyon?

            "Maybe he is doing something important. Don't worry. He is coming home," iyon na lang ang naisagot ko sa anak ko.

            "He is not answering my calls." Dama ko ang pag-aalala sa boses ni River.

            Nilapitan ko siya at hinawakan ang mukha tapos ay hinalikan sa noo.

            "Don't worry about him." Ngumiti ako sa kanya. "You really like Riel?"

            "Yes. Because he is nice. And I wish we could live with him forever." Nagliwanag ang mukha ni River nang sabihin iyon.

            Nawala ang ngiti ko sa labi.

            "You know time will come that we have to move out from here. Riel has his own life. We cannot live with him forever."

            Sumeryoso ang mukha ni River. "But I know he likes me and I know he will want me, us to stay with him."

            "Anak, it's not that easy. We need to give him back his life. Maybe there is someone, you know, he has a girlfriend that he needs to take care of. Adult stuff."

            "Kuya Riel doesn't have a girlfriend." Umiiling pang sabi niya.

            Tumaas ang kilay ko. "He doesn't have a girlfriend?" Paniniguro ko. "That's impossible. How did you know?"

            Nakatingin si River sa telepono niya at nanatiling nagpipipindot doon.

            "He told me." Punong-puno ng kumpiyansang sabi niya. "He said he is too busy taking care of you and me that's why he doesn't have any time to look to other girls. And he said, he doesn't like any other girls." Napahinto sa ginagawa niya si River. "Mom, you know if only I have a choice, I want kuya Riel to be my father. I think he will be a cool one."

PERFECT LIE (COMPLETE)Where stories live. Discover now