CHAPTER THIRTY (Hit)

2.1K 200 56
                                    


When a friend does something wrong, don't forget all the things they do right.

--------------------------------------

Riel

Nanatili akong nandito lang sa kusina at pinabayaan ko si Meara at ang Attorney pulpol na 'yon na mag-usap sila sa sala. Pero sinisiguro ko pa rin na makikita ko kung ano ang ginagawa nila. Wala akong tiwala sa abogagong iyon. Hitsura pa lang, mukhang hindi na mapapagkatiwalaan. Masyadong mayabang. Ano ba ang nakita ni Ghost sa lalaking iyon? Mukhang puro yabang lang naman ang ipinagmamalaki. Maipapanalo kaya ng lalaking ito ang case ni Meara?

Kung hindi lang talaga kay Ghost hindi talaga ako papayag na kuning abogado ito ni Meara. Kahit na ba pro bono pa ang offer nito sa case na ito. May pambayad naman ako para sa abogado. Saka may mga kakilala din akong mga abogado na alam kong mas magaling pa sa lalaking ito. Pero wala akong magagawa. Referral ito ni Boss Multo. At kahit nakakaasar madalas ang Multo na iyon, hindi pa naman siya sumablay. Kapag sinabi ni Ghost, nangyayari. Kapag sinabi niyang magagawan ng paraan, magagawan ng paraan. Ewan ko ba. Kahit ako nag-iisip na din minsan kung tao ba talaga si Ghost. Hindi kaya engkanto iyon kaya maraming alam at may secret super powers?

Natawa ako sa naisip ko. Sa asar ko dito sa abogadong ito kung ano-ano na ang pumapasok sa utak ko. Inis akong tumayo at dinampot ang mga plato na naiwan sa mesa. Pabagsak ko iyong inilagay sa lababo at iniligpit ang mga natirang ulam. Nakita kong lumalabas sa kuwarto si River at nagkukusot pa ng mata at dumeretso dito sa kusina.

"'Morning, Dude," Bati niya sa akin at naupo sa harap ng mesa. Natatawa ako sa tawag niya sa akin ngayon. Dude na daw ang itatawag niya sa akin. Mas cool daw kasi iyon pakinggan parang 'yong mga nilalaro naming game sa PS5. Hitsurang puyat na puyat pa ito dahil talaga namang late na itong natulog kagabi.

"'Morning," walang buhay na sagot ko at sinisilip ko kung ano ang ginagawa ni Meara at ni Attorney pulpol sa sala. Seryosong nag-uusap ang dalawa. May mga papel na ipinapakita si Eli kay Meara. May mga ipinapaliwanag. Gusto ko nang pumunta doon para mapakinggan kung ano ang pinag-uusapan nila pero ayaw ko naman na maisip ni Meara na pinapakialaman ko siya.

"Wow, hotdog and nuggets." Bulalas ni River at biglang nanlaki ang mata nang makita ang pagkain. "Thank God, no more veggies."

"You want to eat breakfast?" Tanong ko.

"Yes. Did you cook this?" Sagot ni River.

"No. Your mom," tipid na sagot ko at kumuha ng plato tapos ay inilagay sa harap niya. Nilagyan ko iyon ng kanin at nag-umpisa na siyang kumain. Naupo din ako doon habang nakatingin pa rin sa gawi nila Meara.

"Mom has a visitor?" Nakita kong sumilip din si River sa sala para tingnan ang mommy niya.

"Her lawyer. She is going to file a case against your father."

Tila wala naman kay River ang narinig. Nagkibit lang ito ng balikat at patuloy na kumain.

"Are you okay with that? Your dad might go to jail."

Napahinto sa pagkain si River at sumeryoso ng mukha.

"He beat my mom. Almost killed her. And all I wanted is to see him behind bars so he will never hurt my mother again."

Hindi ako nakasagot at nakatingin lang sa kanya. There was the fire in his eyes. The anger that was igniting every time he remembers what happened to his mom.

"I am sure, your father will pay for everything. He will not get away with this." Iyon na lang ang nasabi ko.

Hindi na sumagot si River at nagpatuloy sa pagkain. Napatikhim ako at muling sinilip si Meara. Napasimangot lang ako nang makita kong ngumingiti siya habang kausap si Attorney pulpol. Ano naman kaya ang nakakatawa sa sinasabi ng abogagong iyon?

PERFECT LIE (COMPLETE)Where stories live. Discover now