CHAPTER FIFTY (Taste your own medicine)

2.7K 185 69
                                    


You give them a taste of their own medicine, then they tell everyone you poisoned them.

CHAPTER FIFTY

TASTE YOUR OWN MEDICINE

RIEL

"Sabi pulis ka daw."

Hindi ko pinansin ang isang preso na nakatayo sa harap ko. Nanatili lang akong nakaupo sa gilid ng selda at nakatungo ang ulo.

Naramdaman kong sinipa ng kung sino ang paa ko kaya ako napaangat ng mukha. Tiningnan ko ng masama ang gumawa noon tapos ay muli akong yumuko.

Marami na akong iniisip kaya huwag ng dumagdag sa intindihin ko ang gagong ito.

"Anong kaso mo?"

Hindi ko na sila pinansin. Baka kapag sinabi ko sa kanila ang mga ginawa ko, maluma silang lahat dito sa loob.

"Murder ang kaso niyan. Pumatay din ng chief of police."

Iyon ang narinig kong sabi ng kung sino. Gusto kong matawa. Baka gusto din nilang malaman na pumatay din ako ng general at congressman. Baka gusto din nilang malaman na kasama ako ni Ghost nang patayin nito si Mayor Hanauer. Idetalye ko pa sa kanila ang mga ginawa namin. At kung gugustuhin nila, idi-demo ko pa sa kanila. Sa kanila ko gagawin.

"'Tangina nito mayabang. Ayaw akong sagutin."

Noon ko naramdaman na may marahas na humawak sa damit ko at sapilitan akong itinayo. Sinamaan ko ng tingin ang preso na gumawa noon at nakangisi pa sa akin.

"Wala akong pakialam kung pulis ka. Alam mo bang dinudurog ko ang mga pulis dito at walang gagawin ang mga patolang pulis diyan sa labas. Hindi ka tutulungan ng mga iyon. Ako ang mayor dito at kahit ano ang gawin ko sa iyo, wala silang magagawa."

Gusto kong masuka sa baho ng hininga ng kaharap ko. Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang ibang mga preso na nakatingin lang sa amin. Ang iba ay natatawa pa at halatang hinihintay kung ano ang mangyayari sa akin.

"'Tol, kalma lang." Narinig kong sabi ng isa na lumapit sa kaharap ko. "Tingnan mong maigi 'yan. Makinis. Malinis. Mabango." Lumapit sa akin ang lalaki at inamoy pa ako. "Amoy yayamanin. Huwag mong masyadong lamugin." Humarap sa akin ang lalaki. "Virgin ka pa?"
Hindi pa rin ako sumasagot at nakatingin pa rin sa kanila. I knew what he was talking about. Alam ko ang nangyayari sa loob ng preso lalo na sa mga bagong pasok. I had seen it with my own eyes before when I was still in the service. We didn't do anything even if we heard them yelling for help while they were being raped inside their cell. Especially those who were child rapists. Talagang pinapabayaan naming babuyin sila ng kapwa nila preso.

But they think they can do that to me here? Over my dead body. I was here because I wanted to be here. I can get out of here if I wanted to. Gusto ko lang mapatunayan kay Meara na handa akong harapin ang lahat ng pagkakasala ko sa kanya. Ako na rin ang sasalo ng kasalanan ng demonyo kong ama. Handa akong mabulok sa bilangguan para lang malaman niya na hinding-hindi ko ginusto ang mga nangyari sa kanya.

"Hoy, putangina ka." Hinawakan ng lalaking nagsabi na siya ang mayor dito ang mukha ko. "Huwag mo akong binabastos. Sumagot ka kapag kinakausap ka. Tinatanong ka niya kung virgin ka pa kaya sumagot ka."

Ngumisi ako sa kanya. "Ikaw? Virgin ka pa?"

Ang lakas ng ugong ng asaran ng ibang preso doon. Halatang nagulat ang kaharap ko dahil sa sagot ko. Tingin ko, ngayon lang naranasan na may sumagot sa kanya dito. Inialis ko din ang kamay niyang nakahawak sa mukha ko at unti-unting pinipilipit iyon. Napapaaray ang lalaki at tuluyan ko nang pinilipit ang kamay niya habang nakatingin sa mga naroon.

PERFECT LIE (COMPLETE)Where stories live. Discover now