CHAPTER FORTY-TWO (She Knows)

2K 179 45
                                    


The truth hurts but it doesn't kill. Lies may please, but it doesn't heal.

Meara

            Kitang-kita ko ang saya sa mukha ni Riel habang sinasabi niya sa akin na ipapakilala niya ako sa adoptive father niya. At ako din naman dahil first time kong makaramdam na proud ang isang lalaki na ipakilala ako sa magulang niya. Noon kay Perry parang wala lang. Walang pakialam ang magulang niya nang sabihin niyang papakasalan niya ako. Parang nagpakilala lang ng kaibigan ganoon ang feeling ko. Pero ngayon...

            Hindi ko mapigil ang mapangiti habang papunta ako sa silid ni River. Pagsusuotin ko ng maayos na damit ang anak ko para presentable kami pareho kapag humarap sa tatay ni Riel. First impression last. Kahit na ba gustong-gusto ako ni Riel kung hindi naman ako magustuhan ng tatay-tatayan niya, hindi pa din maganda. Saka kailangan maging maayos kami ng anak ko. Hindi dalaga ang ipapakilala ni Riel. Dating may-asawa tapos may anak pa. Sinong magulang ang gugustuhing ang makuha ng anak nila ay pinagsawaan na ng iba? Papatunayan ko sa tatay ni Riel na worthy naman ako para sa anak niya kahit na nga hindi naging maganda ang nakaraan ko.

            "Baby," binuksan ko ang pinto ng silid ni River at nakita kong nakadapa siya doon at sige sa paglalaro ng PS5.

            "Yes, Mom?" Hindi niya inalis ang tingin sa tv.

            "Change your clothes. Your Kuya Riel has an important visitor that is going to come. We need to be presentable."

            Nakita kong pinindot ni River ang pause button ng hawak na controller at tumingin sa akin.

            "Who?"

            "His father," tumingin ako ng makahulugan sa kanya tapos ay dinadampot ko ang ibang mga nakakalat ng cases ng cd games sa lapag.

            "Oh? He is going to introduce you to his father?" Tumingin nang makahulugan sa akin ang anak ko. "Mom, are you and Kuya Riel going to be married?"

            Natawa ako at napailing. "No. I mean... not yet." Napakagat-labi pa ako nang maisip ko ang kasal. Kung ikakasal kami ni Riel, gusto ko simple lang. Kahit kaming dalawa lang at ang anak ko. Kung may mga kaibigan siya na puwede ring imbitahan. Pero ako naman kasi walang ibang kaibigan. Si River lang ang tanging pamilya ko.

            "So, if you and Kuya Riel got married I am going to call him Daddy Riel?" hitsurang nag-iisip pa ang anak ko kaya ginulo ko ang buhok niya.

            "River, stop asking silly questions. It's too soon. We are not talking about marriage, all right? What Riel and I have right now is a special relationship and I think we are okay with this. As long as all of us are together." Kumindat pa ako sa anak ko.

            "All right. I think I like that too." Muling humarap si River sa paglalaro niya pero tumingin din uli sa akin. "But if you two got married, I think I don't want to call him dad. Is it okay to call him Kuya Riel still?"

            "River," tonong sinasaway ko na siya at nagkibit-balikat lang ang anak ko.

            Inayos ko ang mga gamit na naroon. Kumuha ako sa maleta ni River ng isang t-shirt na pampalit nang marinig kong may pumaradang sasakyan sa labas. Dumating na siguro ang tatay ni Riel. Sumilip ako sa bintana at nakita kong mayroong may-edad na lalaki ang bumaba sa sasakyan. Kandahaba pa ang leeg ko para lalong makita iyon at nang mag-angat ng mukha ang lalaki ay biglang kumabog ang dibdib ko. Napaatras pa ako habang nanlalaki ang matang nakatingin sa lalaking nakatayo sa gate at nagdo-doorbell.

            Napalunok ako at muling tumingin para masigurong hindi ako niloloko ng paningin ko. Iyon pa rin naman ang lalaking nakatayo at maya-maya ay nakita kong sinasalubong ni Riel.

PERFECT LIE (COMPLETE)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant