CHAPTER TWENTY-NINE (Breakfast)

1.9K 185 58
                                    


In love there are no friends everywhere where there is pretty woman hostility is open - Victor Hugo, Les Miserables

-------------------------------

Meara

            Telling every detail about my life living with Perry was hard.

            I had to tell everything to the lawyer who was going to help me file a case agaisnt my husband. From the moment that we met, we got married. The truth about River. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa anak ko ang katotohanan tungkol sa kanya na hindi si Perry ang totoong tatay niya. Pero sabi naman ni Attorney Eli, huwag ko nang problemahin pa iyon. Labas na iyon sa mga ikakaso namin sa asawa ko. Frustrated murder, serious physical injuries, illegal detention at kung ano-ano pang kaso ang nakapila na isasampa para kay Perry.

            Nang ipakita sa akin ni Attorney ang video ni Perry na nagpa-press conference at umiiyak sa media dahil nilayasan ko daw, ibang klase ang sakit na naramdaman ko noon. Ang sama-sama ng loob ko. Sampung taon akong nagtiis ng pananakit ng lalaking iyon tapos ang sasabihin niya sa mga tao ako ang masama. Ako ang walanghiya na sumama sa ibang lalaki. Siya ang biktima at siya ang kawawa dahil siya ang iniputan sa ulo. Galit na galit ako habang paulit-ulit kong pinapanood ang video. Perry was a sick animal. Kailangan na talagang maputol ang kahayupan ng lalaking iyon.            

            After weeks of staying here in Riel's house, slowly I was getting on my feet again. Hindi ko alam kung anong ginawa ni Riel pero matiyaga ang doctor na na bumibisita sa akin at walang palya sa pagchi-check ng progress ko. He fixed my nose too. Napangiti ako at wala sa loob na hinawakan ang ilong ko. It's getting better. Sabi pa ni Doc baka mas gumanda pa daw ako kasi inayos na niya ang ilong ko.

            I knew he was just trying to cheer me up. Everyone around me knew how my face was fucked up. Kahit nga ang anak ko minsan makikita kong nakatitig lang sa akin tapos sa tuwing tatanungin ko siya kung bakit, iiling lang siya. Sasabihin lang niya na mahal niya ako at hindi na siya papayag na masaktan ako.

            And I would do anything to stay this way with River. Kahit sa kalsada kami tumira. Kahit sa ilalim ng tulay basta magkasama kami ng anak ko. Alam kong kaya ginawa ni Perry iyon ay para masira ako. Gigipitin niya ako para bumalik sa kanya dahil ang akala niya, siya na lang ang magiging pag-asa ko. Na kahit anong gawin niya sa akin, hinding-hindi ako hihiwalay sa kanya. Ang tagal ko nang nagtiis. Physically, mentally, emotionally I was drained by what he was doing to me. I had enough. This time, I had people who was going to help me.

            And I was thanking Riel for that. Hindi ko alam kung ano ang nagawa ko para tulungan niya ako ng ganito. Kami ng anak ko. Para na rin kaming inampon ni Riel. Minsan, nahihiya na rin ako dahil halos siya pa ang nagsisilbi sa akin dahil hindi ako makabangon sa kama. Nakikitira kaming mag-ina, pinapakain niya and I think that was too much. Masyado na kaming nagiging abala sa kanya.

            Kaya ngayon, pilit akong bumangon sa kama. Pipilitin ko nang gumalaw kahit ayaw pa niya. Nakakapagod din ang laging nakahiga na lang dito. Mas lalong sumasakit lang ang katawan ko. Tumingin ako sa relo at nakita kong ala-singko ng umaga. Dumeretso ako sa banyo at naligo. Napangiti ako ng mapakla nang makita ang hitsura ko sa salamin. At least, nag-subside na ang pamamaga. Medyo pawala na ang mga pasa. Umaayos na ang hitsura ko. Hinawakan ko ang ilong ko. Mukhang may tama si Doc. Mas umayos nga ang ilong ko ngayon.

            Nang makapagbihis ako ay tinungo ko ang silid kung saan natutulog si River. Marahan kong hinaplos ang ulo ng anak ko dahil tulog na tulog pa talaga. Sa tabi nito ay naroon ang isang bagong Ipad tablet. Ibinili ba ni Riel ang anak ko nito? Dinampot ko iyon at tiningnan at halatang bago nga. Riel has been spoiling my son. Baka masanay ang anak ko at hanap-hanapin na ang pag-i-spoil na ginagawa niya sa anak ko.

PERFECT LIE (COMPLETE)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang