CHAPTER SEVENTEEN (Dinner)

1.9K 184 15
                                    


You cannot save everyone. Some are going to destroy themselves no matter how much you try to help them - Bryant McGill

—————

Riel

Pakiramdam ko ay para akong robot nang isara ang pinto ng silid ni Meara. Kitang-kita ko ang pagkataranta sa hitsura niya nang biglang buksan ni River ang pinto ng connecting room sa silid niya. Meara was just wearing a two-piece black bathing suit. I think she was trying to fit it to her. And even if it was just a matter of seconds, I thought it was like an eternity looking at her almost naked body.

Her perfect almost naked body.

The two-piece fitted her body well. I saw the perfect curves of her body. The long legs, the tiny waist. The proud breasts. I knew how to appreciate a woman's body and hers was to die for. Alam kong natataranta siya dahil naroon ako kaya ako na ang nagsarado ng pinto. Dahil kung hindi ko pa ginawa, baka mas magkasala pa ako.

She was married and I shouldn't look at a body of a married woman even if it was an accident. I shouldn't wish that I could still look at it and admire it 'til my heart's content.

I shouldn't feel this fucking heat empowering me giving the throbbing feeling of my damn dick inside my pants.

This was wrong. I needed to calm down. What am I? A virgin high school? Nakakita lang ng makinis na balat tinigasan na agad? Ilang beses akong huminga ng malalim habang hinihintay na lumabas mula sa silid si River. Pilit kong sinasabi sa sarili ko na natural na pakiramdam lang ito. I was deprived of sex for months because of too much work so it was a natural feeling. Mukhang kailangan ko nang maglabas kahit sa banyo para mawala na ang ganitong ka-badtrip na feeling. Masakit lang sa puson.

Nang bumukas ang pinto ay naipagpasalamat kong nakatapi na ng comforter ang katawan ni Mrs. Azaceta kaya tipid na lang akong ngumiti sa kanya. Nang lumabas doon si River ay agad kong isinara ang pinto.

"My mom said, I can swim. Let's go," masayang sabi ni River at nauna nang lumabas doon. Napahinga na lang ako ng malalim at sumunod sa bata. Tumatakbo pa ito habang papunta sa infinity pool area. Marami din namang naliligo doon. Karamihan sa mga babae ay mga naka-two-piece din. May nakita pa nga akong foreigner na nagbibilad ng katawan sa gilid na walang bikini top. Walang pakialam na nakabuyangyang ang boobs pero hindi man lang ako nakaramdam ng kahit na ano. Walang dating. Medyo naasar pa nga ako dahil bakit sa ganitong lugar nagbibilad ng ganoon. May mga bata sa paligid at siguradong magugulat ang mga iyon kung makakakita ng ganoon. Inaya ko na lang sa isang gilid si River para hindi nito makita ang nakita ko at hindi na magtanong pa.

Agad na tumalon sa pool si River. Napapangiti pa ako dahil sigaw ng sigaw ang bata. Kitang-kita ang saya sa mukha nito. Ako naman ay naupo lang sa gazebo at tumitingin sa paligid. Hinahanap ko si Perry. Ang alam ko nauna na rito ang lalaking iyon. Napangiwi ako nang makita kong lumalakad si Trixie at kumakaway pa sa akin. Tumango lang ako dito at mabuti na lang hindi dumeretso sa lugar namin ni River. Ang dikit-dikit masyado ng babaeng ito. Naka-two-piece din si Trixie. Litaw ang nagmamalaking dibdib at mahubog din naman ang katawan pero para sa akin, ayos lang naman. Katulad lang din ito ng ibang mga babae dito na ganoon ang suot. Wala akong naramdamang kahit na ano. Ni hindi nga pumintig ang alaga ko. Dumeretso ito sa kabilang hall hanggang sa hindi ko na makita. Nagkibit na lang ako ng balikat at muling itinuon ang pansin ko kay River na patuloy na naglulunoy sa tubig.

Hanggang sa makita ko si Meara na palabas ng hotel. Naglalakad patungo sa kalapit na restaurant. Naka-robe siya at seryosong naglalakad papasok sa restaurant na malapit sa amin. Sinusundan ko siya ng tingin at doon ko nakita na naroon na pala si Perry at hitsurang hinihintay na nito ang asawa. Pero mukhang hindi naman masaya si Perry na naroon si Meara. Halatang naiinis ito nang makita ang babae. Nakita ko pang akmang hahalikan ni Meara ang pisngi nito pero umiwas ito mula sa asawa. Nagtagis ang bagang ko. That damn asshole didn't know how to take care of his wife. Walang pakialam sa kung anong mararamdaman ng asawa nito. Halatang nagtatalo din ang dalawa at maya-maya ay nakita kong tinanggal ni Meara ang suot niyang robe.

PERFECT LIE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon