CHAPTER FORTY-ONE (Meet-up)

2.3K 180 67
                                    



People often claim to hunger for truth but seldom like the taste when it's served up – George R.R. Martin

Riel

            "You sure you want to give this mansion up and live with me in my small house?"

            Nakatayo ako sa pinto ng silid ni Meara at pinapanood siya sa ginagawa niyang pag-iimpake ng mga gamit. Huminto siya sa ginagawa at tumingin sa paligid tapos ay tumingin sa akin.

            "I can't stay here. Too much bad memories," sagot niya at muling ipinagpatuloy ang ginawa.

            Lumapit ako sa kanya at kinuha ang mga kamay niya at iniharap siya sa akin. Hinalikan ko siya sa labi. Mainit. Nang-aangkin. Talagang aangkinin ko ang akin. Wala na siyang asawa. Libre nang magmahal ng iba at ako na iyon. Hahalikan ko siya kung kailan ko gusto at mamahalin ko siya habambuhay.

            Nang huminto ako sa paghalik ay nakangiti siyang nakatitig sa mukha ko. 

            "I think I like that even more. A kiss like that. Sweet," marahan pang hinaplos ni Meara ang mukha ko.  

            Tumingin din ako sa paligid. "Okay lang ba kay River na umalis dito?" Naniniguro pa ako. Kaya naman ako paulit-ulit ng tanong dahil alam kong triple ang laki ng bahay nila sa bahay ko. Mansion itong bahay na ito nila Meara samantalang sa akin maliit na townhouse lang. Maigi lang para sa nag-iisang katulad ko. Kahit na ba nakitira na sila sa akin noon ni River, iba na ngayon dahil libre na silang makakabalik dito at makakapamuhay ng payapa.

            "Nakita mo nga at nauna pang mag-impake sa akin ang batang 'yon," natatawang sagot ni Meara at nagpatuloy sa ginagawa. "I called Attorney Suarez and he told me that he is going to help me to sell this house and all other properties that Perry left." Muli ay huminto siya sa ginagawa. "Then I decided to donate some parts of the money to organizations for abused women." Unti-unting nawawala ang ngiti niya sa labi. "Not everyone is lucky like me. I am sure there are still woman out there suffering abuse from the people that they thought would care for them and love them."

            Kinuha ko ang kamay ni Meara at marahang pinisil-pisil iyon.

            "I told you, those abused women, it's their choice to leave. Walang ibang makakatulong sa kanila kundi sila lang. Kahit gusto ng ibang taong tumulong, kung ayaw nilang magpatulong, they will still be trapped in an abusive relationship. It will always be their choice to end the violence," sagot ko.

            Naramdaman kong pinisil din ni Meara ang kamay ko. "Good thing you came. You helped me to become strong. You helped me realize that I can still go out from the life I thought I will endure for the rest of my life." Lumapit sa akin si Meara at ikinawit ang mga braso sa leeg ko. "Thank you." Titig na titig ang mata niyang nakatingin sa mukha ko. "Thank you for saving me."

            Umangat ang kilay ko. "Is that what I am to you? Just your savior?"

            Napaawang ang labi niya at kita kong bahagyang namula ang mukha.

            "N-no. I-I mean..." halatang nataranta si Meara.

            "I said I love you but you didn't say it back." Naramdaman kong gustong bumitaw sa akin ni Meara pero hinigpitan ko lang ang pagkakahawak sa kanya.

            Lumabi siyang parang bata. "Do I have to say it out loud? I mean, you feel it. You know what I feel for you. I made love with you."

            "Iba pa rin 'yong sinasabi. Iba 'yong naririnig ko," pinipigil ko pa ring mapangiti kasi kita ko na ang katarantahan sa mukha ni Meara.

PERFECT LIE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon