CHAPTER TWENTY-EIGHT (Attorney Elias Suarez)

2.2K 213 131
                                    


Remember and recover. Not forgive and forget.

----------------------------------

Riel

"Did you see what he did?"

Tumingin pa ako sa paligid para masiguro ko na wala doon si River at hindi maririnig ang pag-uusap namin ni Ghost tapos ay hininaan ang boses ko at lalong inilapit ang telepono sa bibig ko. "That animal had a press con! Telling everyone that Meara was the bad one."

"I know. I was there. I was the one who gave you the link, remember?" Mahinahong sagot niya.

Napamura ako. "Gago talaga siya. At babaliktarin pa niya si Meara? Demonyo talaga." Nanggigigil talaga ako sa galit at gusto ko nang umalis dito at puntahan si Perry para durugin.

"I told you he is powerful. He can do that. He can manipulate everything because of his money. If he knows about what you did that you are helping her, he can also crush you. He can make your life upside down." Sabi pa niya.

"Wait. Wait. Ano ka ba talaga? Galit ka ba talaga kay Meara? Bakit pagdating kay Meara hindi ko maramdaman na bukal sa kalooban mo ang pagtulong sa kanya." Inis kong sagot sa kanya.

"Because she's trouble. To you. Paulit-ulit kong sinasabi sa iyo, I am just protecting you. Time will come all of what you're doing for her will backfire at you. Did you already tell her that you are the police officer who arrested her ten years ago? And that arrest paved the way of her miserable life?"

Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Ghost at napahinga lang ng malalim. May point siya doon. Galit si Meara sa mga pulis at siguradong hindi niya matatanggap kapag nalaman niya na ako ang pulis na umaresto sa kanya noon kaya may nangyaring hindi maganda sa kanya at napunta pa siya sa impiyernong buhay kasama si Perry.

"I wanted to save her back then." Mahinang sagot ko. "But I was young. Stupid. Masyadong gigil dahil baguhan. Maraming gustong patunayan pero pinagsisihan ko iyon ngayon. Alam ko na may kasalanan din ako sa nangyari sa kanya. Hindi lang ang putanginang pulis na bumaboy sa kanya." Mahinang sagot ko. "Kaya lahat ay gagawin ko ngayon para matulungan siya. Sila ng anak niya. I am going to help her get her revenge. I will help her to fight back."

Napa-uhmm lang si Ghost tapos ay narinig kong huminga ng malalim.

"I know. Matigas ang ulo mo kaya nga gusto kita. Maipilit mo, iyon ang gagawin mo. I told this to you before and I am going to tell it again. You have to be ready for whatever you're going to find out about her."

"Mayroon pa ba akong hindi alam? Kung ang sinasabi mo ay ang pulis na bumaboy kay Meara, matatagpuan ko rin kung sino iyon. Hawak ko si Vic. Siya ang magiging susi para pulis na iyon."

"Ikaw ang bahala. Anyway, hindi naman sa ayaw ko kay Meara. I told you yesterday I am going to help her but Perry did something like that, medyo magiging madugo ang issue na 'to. Dapat siguraduhin ni Meara na handa siyang makipag-head-to-head kay Perry. Lahat ng sikretong itinatago niya ay makakalkal. Good thing my lawyer is ready for this kind of mess. The messier, the better for him. If Perry wanted to threw dirt, Eli can put him in the garbage."

Napangiwi ako sa kayabangan ni Ghost. Nai-imagine ko na ang hitsura niya na confident sa harap ko habang poised na poised na inaayos ang suit niya. The old man was a clean freak. Tingin ko nga may OC disorder ang isang iyon dahil kahit sa pagto-torture at pagpatay, ayaw nito ng makalat. Well, Mayor Hanauer was an exception. He killed the bastard with his own hands. In his own words, it was something personal for him.

"Sino ba itong lawyer na ipinagmamalaki mo? Siguradong kaya niyang durugin si Perry?" Paniniguro ko.

Tumawa ng nakakaloko si Ghost.

PERFECT LIE (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon