CHAPTER FORTY-NINE (Jail Time)

2.2K 190 32
                                    


Life is too deep for words, so don't try to describe it, just live it – C.S. Lewis

Meara

            "There is nothing to worry, Mrs. Azaceta. Your boy is already out of danger. The swelling in his brain is already gone and treated. His injuries will heal in time. I am reassuring you that there won't be any side effect on him. He will be normal."

            Pakiramdam ko ay hulog ng langit ang doctor na kumakausap sa akin habang ipinapaliwanag ang kalagayan ni River. Ayaw ko maniwala sa mga sinasabi niya dahil sa nakikita kong kalagayan ng anak ko. Balot ng benda ang ulo, napakaraming galos at bugbog ang katawan. Pati ang mukha ni River ay puno din noon. Kahit sinong makakita ay hindi maniniwalang magiging okay ang anak ko. Pero ipinakita ng doctor sa akin ang lahat ng resulta ng operasyon at tests na ginawa kay River. Wala siyang internal injuries. Nabagok man ang ulo niya pero siniguro ng doctor na hindi iyon makaka-apekto sa anak ko.

            "Siyempre sa ngayon ay hindi pa natin makikita ang lahat. Bugbog pa ang katawan niya and he is still under medication and sedatives para sa pain but rest assured that your son will be okay." Ngumiti na ito sa akin at idinantay ang kamay sa balikat ko bago nagpaalam at tuluyang umalis.

            Lumapit ako sa kama kung saan nakahiga si River at marahan kong hinaplos ang ulo ng anak ko. Hindi na siya intubated. Humihinga na siya ng sarili niya. Maramil lang nakakabit na tubes sa katawan niya pero kakapit ako sa sinasabi ng doctor na magiging okay siya.

            Bumukas ang pinto ng silid at nakita kong si Eli ang pumapasok doon at may bitbit na paper bag. Halatang pagkain ang laman dahil nakita ko ang logo. Napakalaki ng pasasalamat ko kay Eli. Siya ang tumulong sa akin dito noong mga panahong litong/lito ako at hindi ko malaman kung ano ang gagawin. Siya din ang nakikipag-usap sa mga pulis sa investigation dahil hit and run ang nangyari kay River. Unfortunately, hindi pa namin nalalaman kung sino ang nakabangga sa anak ko. Lumapit siya kay River at napangiti.

            "He looks good now." Komento niya at ibinaba ang mga dala. Inilabas doon ang laman na mga pagkain at inilagay sa mesa. "I have food. I am sure you are starving. Hospital food is never a good food." Natatawang sabi pa niya at kinuha ang isang container at iniabot sa akin pero umiling lang ako.

            "I don't want to eat." Mahinang sagot ko at nanatiling nakatingin kay River.

            "You need to eat. Ilang araw ka ng walang matinong kain. Sigurado ako wala ka pa ring matinong ligo. Why don't you go home and take a bath then rest for a while? Ako na muna ang bahala dito."

            Umiling ako. "I don't want to leave my son. I want to be here when he opened his eyes."

            "He will be okay, Meara. Sinabi naman iyon ng mga doctor. He is already out of danger. Nakabuti talaga na na-operahan siya agad at na-drain ang blood clot sa utak niya."

            Hindi ako sumagot. Totoo iyon. Iyon din ang sinasabi ng doctor sa akin na nagligtas sa anak ko. Ang pagkakaopera niya agad at naagapan ang mas matinding kumplikasyon ng pagkakabagok ng ulo niya. And it happened because Riel was there. He became the blood donor for my son since River's blood type was hard to find.

            Agad na namuo ang luha sa mga mata ko. Guilt and pain struck my heart while looking at my son. The man that I hated became the savior of my son.

            "He never left."

            Nang tumingin ako kay Eli ay inaayos pa rin niya ang mga pagkain na dala niya. Hindi ako sumagot. Alam ko kung sino ang tinutukoy niya.

PERFECT LIE (COMPLETE)Where stories live. Discover now