CHAPTER THIRTEEN (Kuya)

2.1K 181 17
                                    

Pain changes people. It makes them trust less, overthink more and shut people out.

---------------------

Meara

            "Ang sinasabi ko lang ay kung puwedeng i-consider mong maghanap ng ibang bodyguard para kay River. Someone more competent. Someone that can get along with your son."

            Napu-frustrate na ako habang nakikipag-usap kay Perry. Kanina pa ako dakdak nang dakdak dito pero hindi niya iniintindi ang sinasabi ko. Sige lang siya sa pagpipindot sa telepono niya. Parang may ka-chat o ano. Tumatawa pa nga tapos ay napapailing pa.

            "Perry. Are you listening to me?" Bahagya pa akong lumapit sa kanya at punong-puno ng iritasyon na tinapunan niya ako ng tingin.

            "What do you want?" Muli ay ibinalik niya ang pansin sa hawak na telepono.

            "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Maghanap ka na lang ng ibang bodyguard para kay River. Ayaw ko sa Riel na iyon."

            Doon tumingin sa akin si Perry at dumilim ang mukha. Bahagya akong napaatras nang gumalaw siya mula sa kinauupuan niya.

            "Iyan na naman ba ang issue natin? Ano ba ang problema mo kay Riel? Maayos magtrabaho 'yong tao. Natitiyaga ang anak mong barumbado. Wala na akong makukuhang magtitiyaga pa sa anak mo. Magpasalamat ka nga at hindi pa lumalayas si Riel." Iritableng sagot niya.

            Napailing ako. "Did you know that he brought me home last night?"

            Sinimangutan ako ni Perry. "Yeah. He insisted on bringing you home because you were fucking drunk acting like a bitch in front of my friends. Nakakahiya ka. Hindi mo kasi tigilan ang mga alak na 'yan. Pasalamat ka at nagtiyaga pa si Riel na iuwi ka."

            Pakiramdam ko ay may bumarang kung ano sa lalamunan ko. At pinabayaan niya akong kung sino ang maghatid sa akin pauwi? Siya ang asawa ko. Siya ang dapat na mag-intindi sa akin.

            "And okay lang sa iyo na kung sino lang ang maghatid sa akin? Hindi pa nga natin lubos na kilala kung sino ang Riel na iyon?"

            "Anong inaarte mo? Si Chuck nga na lagi mong kasama noon pinakialaman ba kita? Kahit umuugong ang tsismis dito sa bahay na naglalandian kayo ng lalaking iyon." Natawa si Perry. "Mabuti na nga lang at alam ko ang totoong pagkatao ni Chuck. Alam ko kasi na hindi ikaw ang type n'on."

            "He is dead, Perry. At alam mong wala kaming ginagawang masama ni Chuck. Siya lang ang bukod-tanging nakasundo ni River kaya malapit sa kanya ang anak mo at ganoon din ako sa kanya." Katwiran ko.

            Tumalim ang tingin sa akin ni Perry at lumapit sa akin. Hinawakan ng madiin ang mukha ko.

            "Are you sure na wala kayong ginawang masama ni Chuck? Are you fucking sure, Meara?"

            Nakakatakot ang hitsura ni Perry at inihahanda ko na ang sarili ko kung sasaktan niya ako. Lalo niyang idiniin ang pagkakahawak sa pisngi ko tapos ay painis iyong binitiwan. Maya-maya ay ngumiti siya sa akin.

            "Well, Chuck is in good place now. And no one will give you horrible ideas."

            Ang bilis magbago ng mood ni Perry. Kanina lang na galit na galit ang hitsura niya, ngayon ay maaliwalas na ang mukha niya. Ang tamis-tamis na ng ngiti sa akin. Kapag ganito na si Perry, nawawala na ang takot ko sa kanya. Pero naalala ko ang sinabi ni Riel kanina.

            Kahit sabihin nila na hindi na uulitin, kasinungalingan iyon. It won't stop. Mas lalo lang magiging malala. Mas magiging worse ang mga pananakit.

PERFECT LIE (COMPLETE)Where stories live. Discover now